Leni Santos, naninibago sa paggawa ng teleserye

ADVERTISING

Leni Santos, naninibago sa paggawa ng teleserye

Leni-SantosSA LAS Vegas, Nevada namuhay nang tahimik ang aktres ng dekada ‘80 na si Leni Santos. Hindi masyadong uso noon ang pelikula, pero ang hatak naman ni Leni sa mga fans sa TV exposures niya sa shows ng GMA 7 noon ay hindi mo matatawaran.

Masang-masa kasi ang image ni Leni noon na mula telebisyon, naitawid ‘yun sa mga pelikula ng Seiko Films bago pumasok ang mga ST (sex trip) genre noong late 80’s, kung saan namayagpag naman sina Cristina Gonzales at Gretchen Barretto.

Mula nang mawala sa paningin ng mga televiewers si Leni, hindi na nga siya nauso, namuhay siya nang simple. Nag-asawa ng isang non-showbiz guy kung saan may dalawa silang anak.

“Dito kami kasal sa Pilipinas. Walang divorce dito kaya doon kami nag-divorce,” kuwento niya sa ilang members ng press na nakapaligid sa kanya sa presscon ng bagong teleseryeng More Than Words na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez para sa Kapuso Network na sa November 17 na magsisimula at mapapanood right after 24 Oras.

ADVERTISING

Kung tama ang bilang ko, naka-walong taon din si Leni sa Amerika, kung saan isa siyang greencard holder.

“Bumalik ako para sa project (More Than Words) na ito,” kuwento niya.

Sa katunayan, ang entertainment writer and tabloid editor na si Eugene Asis ang business manager ni Leni sa muli niyang pagbabalik sa showbiz. “Sabi niya (Eugene), bumalik na ako sa Manila. May project na raw ako,” kuwento ng aktres.

Sa ngayon, medyo naninibago si Leni nang konti sa istilo ng pagtatrabaho sa teleserye. Ang mga kagamitan at ilaw sa taping, ibang-iba na.

“Marami nang nagbago. More than 25 years na ‘yun,” balik-alaala niya.

Sa bagong serye ng Kapuso Network, Leni plays Ninang Rose ni Elmo who portrays the role of Hiro na na dreamboy or shall I say Mr. Right ni Erika also known as Ikay Balmores portrayed by Janine.

 

LOVE KO ang mga artista ng Relaks, It’s Just Pag-ibig sa pangunguna ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo together with Julian Estrada, Erika Villiongo at Sofia Andres. Pure pa ang mga sagot nila sa tanong ng mga entertainment writers. Hindi pa sila showbiz na showbiz. Hindi pa nilamon ng sistema.

Si Iñigo, very vocal sa paghanga sa ama kaya niya pinasok ang showbiz. Si Julian, aminado na naging sila ni Julia Barretto; si Erika sinabi na naging sila ng young hunk na si James Reid, at si Sofia, aminado na there is something between her and Iñigo.

At least totoo sila. At least, ang apat, hindi pa plastik tulad ng mga nauna na sa kanila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING