‘Legal Wives’ nina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Alice Dixson mapapanood na

PAGKATAPOS ng ilang beses na pagdedelay ay mapapanood na sa wakas simula ngayong gabi ang bagong serye ng GMA-7 na ‘Legal Wives‘.

Big relief para sa mga bidang babae na sina Andrea Torres at Bianca Umali na mapapanood na ng kanilang mga fans ang proyektong pinaghirapan at pinaghandaan nila ng mahigit isang taon. Matatandaan na ilang beses na rin na-delay ang pagpapalabas nito dahil na rin sa challenges na kinaharap ng production.

'Legal Wives' nina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Alice Dixson mapapanood na
Alice Dixon, Andrea Torres and Bianca Umali for Legal Wives

“Napakaganda po noong proyekto, seeing the teasers po na ipalalabas, kahit ‘yung behind-the-scenes photos namin.

“Looking back at how we worked on this project for how many months, ‘yung finally na natapos namin at nabuo po namin ito, ang sarap po sa pakiramdam. It was such a huge relief,” sambit ni Bianca Umali sa ginanap na virtual conference para sa programa.

Dagdag pa nito, “Nakatutuwa kasi na-accomplish naming lahat nang walang kulang. Nagawa namin lahat ‘yung part namin. Lahat kami proud and confident na maipakita ito sa mga tao, sa mga manonood.

“I’m very happy na natapos po itong show na ito and of course I am very very happy and honored to be part of this project,”

Bilib na bilib naman si Andrea Torres sa mga bumubuo ng Legal Wives dahil naitawid nila ang paggawa ng challenging project na ito.

“Nakakakilabot po noong napanood ko. Nakaka-proud talaga, lalung-lalo na, ang daming nangyari. Still, ‘yung production po namin talagang ayaw talaga nilang ibahin ‘yung vision nila.

“Talagang gusto nila kung paano nila pinlano, na malaki, na talagang maipakita nang buong-buo ‘yung kultura ng Muslim, ‘yun talaga ‘yung maibigay namin,”

“Medyo na-delay kami pero talagang pinush nila ‘yun kasi sobrang grabe talaga ‘yung naiisip nila for this project. We’re very happy na finally mapapanood na ng mga tao,” with pride na sinambit ni Andrea Torres.

Sa Legal Wives ay may tatlong asawa si Ismael (Dennis Trillo). Bilang isang muslim ay maaari siyang ikasal sa tatlong babae. Si Alice Dixson ang gaganap na Amirah Alonte, ang first wife. Si Andrea Torres ang gaganap na Dianne, na tunay na mahal ni Ismael at isang kristyanong doktor; at si Bianca Umali naman si Farrah, ang kababayan ni Ismael na pinakasalan niya para protektahan ito.

Sa mga curious sa dynamics ng mga muslim pagdating sa ganitong usapin, magandang panoorin ang ‘Legal Wives’.