‘Legal Wives’ nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali magtatapos na

MAGTATAPOS NA ngayong gabi ang kakaibang kuwento ng ‘Legal Wives‘ na pinagbibidahan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo with his three onscreen wives: Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.

Umani ng papuri mula sa mga fans at critics ang serye na nagpakita ng realistic portrayal ng mga kapatid nating muslim. Sa katunayan, may demand na sana ay magkaroon pa ng Book 2 ang programa.

'Legal Wives' nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali magtatapos na
Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali for ‘Legal Wives’

Para kay Dennis Trillo, isang malaking karangalan na gumanap bilang Ismael. Ito rin ang itinuturing niya na totoong comeback niya sa primetime drama.

“Napakalaki ng project na ito para palampasin. Maganda ang latag ng kuwento, magagaling din ang lahat ng kasama ko na artista. Manghihinayang ako kung hindi ito napunta sa akin. Gusto kong ibahagi at iparating sa mga manonood na bukod sa makulay na kultura ng mga Mranaw, kagigiliwan nila ang bawat characters na siguradong kapupulutan nila ng aral.”

Para kay Alice Dixson, umaasa siya na sana’y maraming natutunan ang mga televiewers tungkol sa mga Muslim. “They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires. They have strong family bonds. Magandang paraan itong TV show na ito para ipakita kung ano ‘yung differences at kung ano din ‘yung likenesses natin as Filipinos.”

Aminado naman si Andrea Torres, na gumaganap bilang Diane (the Christian wife) na big challenge na gampanan ang karakter na ibinigay sa kanya.

'Legal Wives' nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali magtatapos na
Dennis Trillo with Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali for ‘Legal Wives’

“I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakadami niyang pagdadaanan dito. So binantayan po namin ni Direk Zig na you’ll always understand where she’s coming from and why she’s doing those things. Love is her weakness but that’s also where she’ll get strength to fight back.”

For the youngest one Bianca Umali, malaki ang pasasalamat niya na ipinagkatiwala sa kanya ang papel na Farrah.  “I am very honored na ako po ay pinagkatiwalaan na mapasama sa cast ng proyektong ito. Nakakakaba po ang makipagsabayan sa mga beteranong aktor but at the same time, natutuwa po ako na makatrabaho silang lahat.”

Huwag palalampasin ang huling gabi ng ‘Legal Wives’ sa GMA!

Previous articleVLOG WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola’s New Home Tour… for now
Next articleLexi Gonzales, Kim De Leon at Anjay Anson magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan’