Leading man appeal ni Jason Abalos, nanumbalik sa “The One That Got Away”

ADVERTISING

Leading man appeal ni Jason Abalos, nanumbalik sa “The One That Got Away”

Leading man appeal ni Jason Abalos, nanumbalik sa “The One That Got Away”
Jason Abaloss, Th

GOOD VIBES at nakakarelax panoorin ang panggabing light romance series na “The One That Got Away”. Kuwento ito ng tatlong babaeng hopia pa rin sa kanilang “TOTGA” na hindi pa rin nila makalimutan. Imbes na mag-away away, the three leadies named Alex, Darcy and Zoe ended up as best of friends o girl squad as portrayed by Lovi Poe, Max Collins and Rhian Ramos respectively. Ang lalaking kinalolokohan nila rito ay si Liam played by GMA Drama King Dennis Trillo.

Nakakatuwa lang dahil sanay tayong mapanood ang apat na nabanggit na Kapuso stars na namamayagpag as heavy drama actors. This time, chill lang sila at pakilig ang kinakarir.

Ang isa pang maganda sa show ay ang pag-introduce nila sa bagong set ng Kapuso leading men.

This serves as Migo Adecer, the Starstruck 6 Ultimate Male Survivor’s biggest break. Siya ang younger sister ni Zoe (Rhian Ramos) na may big crush kay Alex (Lovi Poe) na crush naman siya ng younger sister nito played by Ayra Mariano.

ADVERTISING

This is Ivan Dorschner’s second project sa GMA-7. Kay Max Collins naman siya ipapares at may pagka-mysterious ang character niya rito.

Inabangan naming dito si Jason Abalos, who is one of the talented and reliable leading men ng ABS-CBN na lumipat kamakailan sa GMA-7 Ito ang kanyang first project sa bakuran ng Kapuso network at sa totoo lang, bumalik ang charm nito bilang leading man. Nakakaaliw ang pagiging kuya niya kay Lovi sa show (kahit sa totoo lang ay puwede rin sana silang loveteam!) at pagiging single dad niya. Hindi man niya aminin, unti-unti itong nagiging ‘hopia’ na siya na lang sana ang mahalin ng bratinellang si Zoe (Rhian Ramos). Noong Biyernes ay may kissing scene ang dalawa at nakakakilig naman talaga!

Noong Sabado ay kay Kris Bernal naman siya ipinares sa Magpakailanman. Dito ay pinatunayan ng bagong Kapuso na magaling talaga siya pagdating sa aktingan at kung maaalagaan ng mabuti, he will be one of GMA-7’s best bets pagdating sa drama at pagpapakilig.

Matagal-tagal na rin namin hindi napapanood si Jason sa big screen. He was one of the few actors na every now and then ay may movie projects mapa-mainstream man o indie.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING