Lea Salonga, walang intensiyong maliitin ang boses ni Anne Curtis!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authoruty of chikka ng yours truly! Kaya naman don’t make your Monday a blue Monday.

Bongga talaga ang nagiging eksenahan ng kabe-birthday lang na si Anne Curtis at ni Lea Salonga. Naloka lang talaga ako sa Earth!

Bakit may something-something silang dalawa. Kaloka lang ang sinabi o opinyon ni Lea. Pero ang sabi nito, na-misquote lang daw siya sa isang interview sa TV5.

Naku kung ganyan si Lea na minamaliit lang niya ang mga nanga-ngarap kumanta, at medyo may side comments siya na kung anik-anik, mukhang hindi naman maganda ‘yun.

Alam naman natin, gayundin ng madlang pipol, na si Anne ay hindi marunong kumanta. Ang mahalaga ay tinanggap siya ng masa. Mabuti na lang na sinabi ni Anne na “out of respect kay Ate Lea, tigilan na natin ito. Marami kasi ang nagagalit sa kanya sa internet. I believe, she was misunderstood by TV5.”

Kaloka, mabait ang opinion ni Anne, kaya naman para sa mga kilalang tao, wala namang ganyanang movies o isyu. Maging masaya na lang dapat tayo sa takbo ng kanyang career. Pak!

ANOTHER CHIKKA na naman ang eksena nitong si Alex Gonzaga na kung kani-kanino inila-loveteam, at mukhang feel na feel ni Alex. Kasi dati, ini-loveteam siya sa isang singer. Maloloka ka talaga sa Earth dahil mukhang type niya ‘yun, pero ngayon naman ay kay Chris Tiu at mukhang bet niya itey!

Hay, naku! Kitang-kita ko naman talaga sa batang ‘yan ay parang ang cheap ng dating. Dahil go lang siya sa bawat press release para lang mapag-usapan siya, ‘di ba? Parehas sila ng kapatid niya na parang wala raw taste.

Kaya lang, ang chikka naman nitong si Chris, maloloka ka talaga sa Earth, ay hindi raw niya ipagpapalit ang Gf niya kay Alex Gonzaga! Ouch!

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong blind item ko na isa beauty queen? Clue agad, wala pa ang blind item, hahaha!

O, isa pang clue… beauty queen-turned-actress/TV host na sobrang at home sa bahay ng kanyang boy friend nagpapa-spa buong maghapon sa loob ng kuwarto ng BF.

Kaloka talagang makikita mong may pagka-flirtylicious dahil naka-underwear lang! Tsk, tsk… mukhang wholesome pa naman ang dating niya… ewww!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleHabang lumalaki Anak na lalaki ni Carmina Villaroel, nagiging kahawig ni Aga Muhlach!
Next articleMag-iisang taon nang wala Aj Perez… parang kailan lang

No posts to display