Lea Salonga, pinagtulungang i-bash ng AlDub fans

Lea-SalongaPINAGTULUNGANG I-BASH si Lea Salonga matapos itong mag-tweet ng, “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo.”

Inakala ng marami sa social media na pinasasaringan niya ang AlDub kaya naman kaliwa’t kanang bash ang inabot ng world renowned singer.

Ang say ng defenders ng love team, may matututunan naman sa dalawa dahil they observe good family values.

Agad-agad na nagpaliwanag si Lea and said, “Ang daming judgmental at defensive dito. Haaaaay, di niyo na-gets ang tweet ko.”

“For those of you that replied about BALANCE, you rock my world. That’s what I was after. We all need fun, but that can’t be all there is.

“Gusto ko sanang isipin na malinaw na ang aking pagpapaliwanag.,”

Unaware pala si Lea na may malaking ganap noong Sabado sa Eat! Bulaga.

“Uhmmm… I have no idea what’s going on. Why did people assume I was tweeting about AlDub? I wasn’t. I don’t know about it. So why the hate?

“Only now am I finding out that today was a significant day. I honestly had zero idea anything was going on! My tweet was pure coincidence!”

Later on, nakiusap siya, “So stop the hatred, the negative assumptions, whatever you’re throwing at me. Just send me links so I know what the fuss is about.”

Kasi naman, hindi pa diretsuhin ni Lea kung kanino patungkol ang kanyang tweet. Masyadong vague kasi, ayan, inisip tuloy ng mga tao sa social media na ang AlDub ang pinatutungkulan mo.

Ikaw rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit ka na-bash. Kung tinukoy mo na agad kung sino ang sinasabi mong puro kababawan, baka naaliw pa sila sa iyo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleSheryl Cruz, inggit at mana ang dahilan ng pagkontra kay Sen. Grace Poe?
Next articleTom Rodriguez at Lauren Young, nakalusot sa MTRCB ang grabeng laplapan

No posts to display