Lea Salonga, nagbabala sa mga turista pagdaan sa airport

ADVERTISING

Lea Salonga, nagbabala sa mga turista pagdaan sa airport

Lea-SalongaLEA SALONGA warned tourists na mag-ingat sa airport dahil sa controversial na paglalagay umano ng bullet sa mga bagahe ng travellers.

“Until the authorities get to the bottom of this, I suggest being extremely careful in travelling to the Philippines. Reportedly, airport employees are planting bullets into the luggage of unsuspecting travellers and demanding payment. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Yes, folks, this is the country from which I hail. The country that has birthed the heroic and artistic, as well as the criminal and corrupt. Right now, it’s looking like the latter is outnumbering the former,” message ni Lea sa kanyang social media account kasabay ng pag-post ng isang news item about laglag-bullet.

Marami ang kumampi kay Lea, with one fan saying, “Lea’s post is a warning for everyone to be extremely careful, not necessarily dinidiscourage na pumunta rito. And sino pa ba ang magwa-warning kundi tayo ding mga Filipino dapat. Kung pinagtakpan pa niya yan eh Lalo siyang masisira. Lea pointing out all the flaws means she loves her country and is frustrated because of all of this.”

“Usually nega ang dating ni TIta Lea pero ngayon agree ako sa kanya. Napanood ko yung news ng US national na ni-detain ng ilang araw tapos kinikikilan ng pera. Nakakahiya. Dapat mahiya ang gobyerno kasi nagre-resort sa ganitong gawain ang airport employees, at kahit na naibalita na sa news eh harap-harapan parin nilang ginagawa!!!! Nakakainis. Nakakabuwisit. Nakakahiya,” say naman ng isa pa.

ADVERTISING

“Nakakahiya man pero totoo itong pinost ni Ditseng Lea, e. Kung totoo man na may Laglag-Bala gang pa rin sa NAIA, grabe di na ba sila nahiya at natakot? Di ba may mga narelieve na rin na security officers sa NAIA dati dahil sa ganitong isyu? Hindi pa rin natitigil,” say ng isang fan ng singer.

Tunay ngang nakakahiya ang gumagawa ng ganitong modus operandi sa airport. Hindi na sila nahiya sa kanilang mga ina. Obviously, hindi sila napalaki nang tama ng mga PAKA… nilang ina!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING