Lea Salonga, Martin Nievera at Aiza Seguerra, nagbigay ng benefit concert para sa mga pamilya ng SAF Fallen 44

Lea Salonga, Martin Nievera at Aiza Seguerra, nagbigay ng benefit concert para sa mga pamilya ng SAF Fallen 44

Aiza-Seguerra-Lea-Salonga-Martin-NieverraNAPANOOD NAMIN ang Jammin’ for Help: BRAVE, the benefit concert mounted by Lea Salonga, Martin Nievera, and Aiza Seguerra para sa families of the fallen 44 SAF members.

Isa-isang binanggit ng artists ang names ng Fallen 44 bago mag-umpisa ang concert.

Nakakaloka ang concert na ito, lahat magaling. The performers sang with barest essentials wearing only T-shirts and maong pants. Walang script and the spontaneity of the spiels were incredible as it was heartfelt.

Lahat ng performers magaling, highlight lahat ng production numbers. Bongga ang birit numbers nina Angeline Quinto, Frenchie Dy, at Carla Guevarra. Showstopping naman ang rock number nina Jet Pangan and Basti Artadi, gayundin ang rap number ni Apl. de. Ap. ‘Yung This Is The Moment naman nina Erik Santos and Martin Nievera ay basagan ng ngala-ngala. Very touching naman ang Used To Be number nina Lea at Martin. Ebe Dancel and Gloc 9’s Sirena brought the house down. Si Bayang Barrios nag-chant pa and she mesmerized the crowd. Si Aiza naman ay napakagaling din lalo na si Liza Diño sa kanyang flamenco dance number.

Easily, gabi iyon ni Dulce because her The Prayer number with the Four Tenors merited a standing ovation. Nilamon sila nang buong-buo ni Dulce. Patriotic naman ang finale number ni Ogie Alcasid at talagang napakaganda ng lyrics ng kanyang kanta.

Kina Lea, Aiza, and Martin na nag-put up ng BRAVE, maraming salamat. It was the ULTIMATE concert to end all concerts!!!!!!!!!!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas