Lea Salonga, ‘di makikialam sa kaso ng half-brother na nadakip sa buy-bust

ADVERTISING

 alt=

Lea Salonga and Philip Salonga
Lea Salonga and Philip Salonga

Hindi itinanggi ng international star na si Lea Salonga na kapatid niya ang naarestong si Philip Salonga, kasama ng dalawa pa, sa isang buy-bust operation noong Biyernes ng umaga (September 9) sa Pasig City.

Sa statement na ipinadala ni Lea sa ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, sinabi rin niyang hindi makikialam ang kanyang pamilya sa imbestigasyon ng kaso.

Ayon sa “The Voice” coach sa kanyang statement, “Philip is my half-brother (same father, but we have different mothers).

“In light of this recent arrest as reported in the news today, allow me to say that our family will not in any way hamper the investigation of the police in this matter.

ADVERTISING

Gayunman, nanawagan siya Lea sa awtoridad ng “due process” at “fair trial” sa kaso ng kapatid sa ama.

“As with all individuals arrested under similar charges, we call only for due process and a fair trial,” pahayag ni Lea.

Dagdag pa ni Lea, “If he is absolutely guilty of all the charges against him, he needs to take responsibility for his actions.”

Naaresto si Philip, 37, isang freelance chef at naninirahan sa Freedom Lane, Interville 2, Sunville Subdivision, Tandang Sora, Quezon City, sa isang bar sa Julia Vargas Avenue sa Ortigas, Pasig City sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11.

Ayon sa pahayag sa media ni QCPD chief Senior Supt. Guillermo Eleazar, itinuro si Philip ng dalawa pang naunang naaresto na kanilang “source” sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa ulat, nakuha mula sa pag-iingat ni Philip ang 12 ecstasy tablets, tatlong pakete ng dried marijuana, isang cellphone, at tinatayang P14,000 na halaga ng pera. Sa kabuuan, 80 ectasy tablets ang nakuha kay Philip at sa dalawang kasama na aabot sa P120,000 ang halaga.

Samantala, sa pahayag ni Philip sa pulisya, sinabi nito na hindi alam ni Lea na nagtutulak siya ng iligal na droga.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING