Lea Salonga at Aga Muhlach, naghamunan

ADVERTISING

Lea Salonga at Aga Muhlach, naghamunan

Lea-Salonga-Aga-MuhlachHINDI IKINAILA ni Lea Salonga gusto niyang makagawa uli ng pelikula at muling makatambal ang paborito niyang leading man na si Aga Muhlach. Pero tila mauunsiyami ang pagtatambal nila ni Aga dahil mataba pa rin daw hanggang ngayon ang actor.

Gusto sana ni Lea na masundan muli ang dalawang blockbuster movie na nagawa niya noong dalaga pa siya. Pero dahil sa mataba pa rin si Aga ay ramdam daw niya na malabo na raw itong mangyari.

Sinabi noon kasi ni Lea na kapag may magandang istorya na ihahain sa kanilang dalawa ni Aga, pagpupursigehan nilang ibalik ang dating katawan.

Sinabi raw ni Aga kay Lea na bigyan siya ng dalawang buwan at tiyak raw na maibabalik nito ang dating pigura. Hinamon nga rin daw ng actor si Lea na magpapayat din. Natupad ni Lea ang hamon ni Aga, pero hanggang ngayon daw ay tila mataba pa rin ang huli.

ADVERTISING

Ayon kasi kay Lea kung hindi rin lang daw si Aga ang makakapareha niya ay hindi na raw siya magbabalik-pelikula. Ayaw ni Lea ng ibang leading man. Gusto niya talaga si Aga ang makapareha. Kampante na raw siya kay Aga at sa tinginan pa lang daw nila ng actor, nagkakaintindihan na sila sa kanilang mga eksena.

Natatakot si Lea na kapag hindi si Aga ang kapartner niya ay magkaroon lang siya ng pader sa kanyang leading man. Ayaw naman daw niyang maging problema sa shooting.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING