Laurence Monssman, excited na makatrabaho si Lea Salonga

ADVERTISING

Laurence Monssman, excited na makatrabaho si Lea Salonga

Laurence Monssman
Laurence Monssman

Excited na raw ang image model ng New Placenta for Men na si Laurence Mossman na makasama sa isang bonggang musical play na pagbibidahan ni Lea Salonga.
Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na makatatrabaho ni Laurence ang award-winning singer/actress sa isang musical play na magsisimulang mapanood sa Nobyembre.
Alam nga raw ni Laurence na marami siyang matututunan kay Lea Salonga pagdating sa pag-arte at pag-awit sa entablado.
Bukod sa musical play na pagsasamahan nila ni Lea, dalawang pelikula ang nilalagare ni Laurence, ang “Die Beautiful” na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros, at ang “Bakit Ang Mga Guwapo May BF?” na pinagbibidahan naman nina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros, at Anne Curtis.
Napanonood din ito sa top-rating serye nina Enrique Gil at Liza Soberano ang “Dolce Amore”.  Lumilibot din ito kasama ang iba pang ambassador ng New Placenta para sa campaign na Free Hugs.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING