Lauren Young, never daw sasali sa beauty pageant

ADVERTISING

Lauren Young, never daw sasali sa beauty pageant

Lauren-YoungOKEY LANG daw kay Lauren Young kung napagkukumpara man sila ng kapatid niyang si Megan Young. Alam daw naman niya na may kanya-kanya silang katangian na nag-i-stand out ang isa’t isa.

Kung sa pagiging beauty queen namayagpag nang husto ang kanyang Ate na si Megan na siyang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World, pakiramdam naman daw ni Lauren, sa acting siya unti-unting nag-i-excel ngayon.

“It’s my thing talaga!” natawang sabi nga niya. “But well you know, she’s also a very good actress. Kontrabida ang mga roles na kadalasang ipinu-portray niya. At ako na nga ang sumusunod sa yapak ng ate ko, ‘di ba? Nagiging kontrabida na rin ako.”

Feeling niya, she’s a better actress nga than Megan? “Yeah!” natawang sabi lang ni Lauren ni Lauren.

ADVERTISING

Sa ngayong busy si Megan sa kanyang reign bilang Miss World, talagang nami-miss daw ni Lauren ang pagkakaroon ng bonding moments na kasama ang kanilang pamilya.

“Kapag umuuwi siya, saglit lang siya. And then sa Manila lang tapos babalik na naman siya. She travels all around the world. From Europe to the States, to Asia… so, I think she’ll really appreciate it if we all went home to Subic,” pagtukoy niya sa kanilang hometown.

“Ang tagal na naming hindi nakakauwi do’n. So… you know, just a relaxing time in our house with the family. And parang catch up lang. A recap on what happened to all of us. I’m very proud of my sister and all of her achievements. And I just wish her more success. I wish her the best.”

Hindi ba siya nai-engganyo na sundan ang footsteps nito bilang beauty queen?

“Hindi talaga! Ayoko talaga,” nangiting paniniyak ni Lauren. “Ayoko talaga. Si Maegan kasi, kahit sinasabi niya na ayaw niya… she had experienced it na before. It’s like… may interes na siya, e. Ako talaga… zero interest with beauty pageant. Sa acting talaga ang passion ko. Ito ang hilig at interes ko. Gusto kong manalo ng acting award someday. Kung si Megan, pinangarap maging beauty queen, ako naman I just want to be the most verstile actress.”

Three weeks ago ay umuwi sa Pilipinas si Meagan. At napabalita na bigla ay nag-undergo ito ng operation.

“She had her appendix take out. But she’s fine now. It happens. Sometimes, your appendix has to be taken out. Gano’n ‘yong nangyari sa kanya. But you know, she’s perfectly fine now. The operation went well. There’s nothing to worry about. Now she’s back to work,” nakaalis na ulit si Megan para ipagpatuloy ang duties bilang Miss World ang ibig tukuyin ni Lauren.

Nag-worry ba sila ng family nila nang sumailalim sa operasyon si Maegan?

“It wasn’t critical naman. And she recovered very fast.”

Masaya at kuntento raw si Lauren sa takbo ng kanyang acting career sa ngayon. At okey lang daw sa kanya kung medyo may pagka-kontrabida ang role niya sa Hiram Na Alaala kung saan gumaganap siya bilang girlfriend ni Dennis Trillo na mauugnay naman sa character ni Kris Bernal na sa istorya ay nobya naman ni Rocco Nacino.

“The thing kasi with my character here, hindi siya dapat bina-brand na kontrabida. Ang kontrabida kasi, isang taong masama lang.  a laging may masamang ginagawa. But my character here, makikita naman na she’s genuinely a nice person. May puso at konsiyensiya din siya.

“Pero dahil sa mga nangyayari sa buhay niya, siyempre hindi niya napipigilan to act that way. Kasi kawawa rin siya. Nakita niya ‘yong boyfriend niya na sobrang mahal niya. Tapos hindi man lang siya kinikilala. Iisipin niya na the guy is cheating on her. Kaya she’s driven to act that way. So, it might come off that she’s mean. But you really just have to understand where she’s really coming from.”

Ano naman ang update sa lovelife niya ngayon? Meron na bang bagong nagpapakilig sa puso niya?

“Sakto lang!” sabay ngiti ni Lauren.

Non-showbiz ba ‘yong guy?

“A… I’m sticking to dating non-showbiz. Masyadong magulo ang showbz life. Naging magulo ang showbiz life ko. So, I want to keep quiet. I want to focus on my work. But I’m very, very happy professionally and personally.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING