Lauren Young, kinumpirma ang operasyon sa appendix ng kanyang Ate Megan Young

ADVERTISING

Lauren Young, kinumpirma ang operasyon sa appendix ng kanyang Ate Megan Young

Megan-Young- Lauren-YoungSA GRAND presscon ng Hiram Na Alaala ng GMA 7, kinumpirma ni Lauren Young, na isa sa mga bida, na naoperahan nga ang kanyang kapatid si Megan Young sa appendix.

ADVERTISING

“She had her appendix taken out. But she’s okey now. It happens. Sometimes your appendix has to be taken out. Ganoon ‘yung nangyari sa kanya. But you know, she’s perfectly fine now. That operation went well. There’s nothing to worry about. Now she’s back to work. It wasn’t critical naman. And she recovered very fast,” pagtatapat ni Lauren.

Miss na miss na nga raw niya ang kanyang Ate Megan. Lalo na raw ngayon na parati itong nagta-travel dahil malapit na ngang matapos ang reign ni Megan as Miss World at i-relinquish ang korona nito.

“Kapag umuwi si Ate, sandali lang. And then sa Manila lang, tapos she flies out again. Laging ganoon, kaya nakaka-miss. She travels all around the world. From Europe, to the States, to Asia… so, I think she’ll really appreciate it if we all went home to Subic. Ang tagal na naming hindi nakauuwi roon. So you know, just relaxing time in our house with the family.”

ADVERTISING

Sa pagtatapos nga ng reign ng kanyang Ate Megan, umaasa si Lauren na mas mabibigyan na sila ng panahon nito. Pero nandoon pa rin daw ang pangamba niya na baka mas maging busy pa rin si Megan.

Marami raw commitment ang kanyang Ate Megan, tulad ng TV appearance, movies and commercial offers.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING