Lauren Young, first time si Richard Gutierrez

ADVERTISING

Lauren Young, first time si Richard Gutierrez

Lauren-YoungPUMAYAG SI Lauren Young na makipagromansahan sa kama kay Richard Gutierrez sa pelikulang Overtime under GMA Films na idinirek ni Wincy Ong.

Bago kunan daw ang love scene, binulungan ni Lauren si Chard na first time lang daw siya gagawa ng ganoon eksena dahil wala pa raw siyang experience sa kama. Sinabi raw ni Lauren kay Chard na i-guide siya sa love scene para hindi raw lumabas na pangit.

Lumabas namang makatotohanan ang eksena dahil sa istorya, first time ding makikipagromansahan sa kama si Lauren.

Bukod sa super daring na romansahan nina Lauren at Chard, may eksena pa ang younger sister ni Megan Young na tumatakbong naka-bra lang at shirt sa rami ng taong nakapaligid sa shooting.

ADVERTISING

Ayon kay Lauren, wala naman daw pagsisisi sa ginawa niyang daring scene dahil kailangan daw talaga sa istorya. Super excited na nga raw ang Ate Megan niya na mapanood ang pelikulang Overtime at hindi raw ito nagalit sa ginawa niyang pagpapaka-daring sa movie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING