Lauren Young, first time si Richard Gutierrez

ADVERTISING

Lauren Young, first time si Richard Gutierrez

Lauren-YoungBIDA MAN o kontrabida ay masaya na si Lauren Young at hindi naman pala malaking isyu sa kanya ang mabigyan siya ng kontrabida roles. Basta mahusay ang istorya ay oks lang sa kanya.

Tulad ng kanyang papel sa bagong movie niya ngayon na Overtime, mukhang may pagka-kontrabida na naman. Pero very challenging daw ang movie niya ngayon with Richard Gutierrez.

At ayon pa nga sa kuwento niya sa amin, nang maging panauhin namin siya sa aming radio program sa DZIQ Radyo Inquirer, every 3-5 pm, ay napanood naman na nga raw ni Sarah Lahbati ang said movie.

Hindi naman daw nagselos itong si Sarah sa naging lovescenes nila ni Richard.

ADVERTISING

“Para maging maganda ang scene na ‘yun ay talagang nagpatulong ako kay Richard. Siyempre. It’s my first time,” sey niya sa amin.

Nilinaw rin niya sa aming radio program na hindi sila magkaaway ni Janine Gutierrrez. Balita kasi na may relasyon ngayon sina Janine at Elmo Magalona na na-link din sa kanya.

Okey kami ni Elmo, ‘pag nagkikita kami, nagbabatian na kami. Si Janine, kahit hindi kami magkaibigan, nagbabatian naman kami,” sey pa ni Lauren.
Hindi malayong i-compare siya sa kanyang Ate Megan Young na naging Miss World.
“Dito muna  po ako sa akting, may pagkakaton, bakit naman hindi. Pero sa ngayon po, magko-concentrate muna ako sa mga project na ibinigay sa ng GMA 7.
“And satisfied naman ako sa career ko ngayon,” sagot  pa niya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING