Launching ng JaDine sa Bench, dinumog ng libu-libong fans

ADVERTISING

Launching ng JaDine sa Bench, dinumog ng libu-libong fans

James Reid And Nadine Lustre For Bench
James Reid And Nadine Lustre For Bench

Naging matagumpay ang katatapos na launching nina Pambansang Hubby James Reid at Pambansang Wifey Nadine Lustre bilang pinakabagong pamilya ng Bench na ginanap last Aug. 6 sa Music Hall ng SM Mall of Asia.
Punum-puno ang nasabing venue sa libu-libong taong dumalo at sumaksi sa launching nina James at Nadine Lustre bilang new faces ng Bench.
Nagsimula ang launching sa isang song number na galing kay James Reid na sinuklian ng napakalakas na hiwayan mula mga taong naroroon na sinundan ng awitin din mula kay Nadine.
Hiwayan din ang sumalubong sa mga naggagandahan at nagguguwapuhang modelo na rumampa suot ang magagandang collections ng Bench.
Mas dumagundong sa lakas ng tilian nang mag-duet sina James at Nadine na sweet na sweet sa isa’t isa. After nga ng performance nina Nadine at James, nagkaroon pa ng pagkakataong magpalitrato at magpa-autograph ang mga taong naroroon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING