LAST NA ANG ‘THE OTHER WIFE’: Joem Bascon, titigil muna sa sexy films dahil kay Meryll Soriano?

KASALUKUYANG palabas na ang erotic mystery thriller na “The Other Wife” na pinagbibidahan nina Joem Bascon, Rhen Escaño, at ang award-winning actress na si Lovi Poe sa Vivamax, iWantTFC, at TFC IPTV.

Mula sa Viva Films, ito ay sa direksiyon ni Prime Cruz na siya ring nagdirek ng mga pelikulang “Sleepless”, “Manananggal Sa Unit 23-B”, at iba pa.

Ang “The Other Wife” ay kuwento ng mag-asawa na inaayos ang mga bagay-bagay para mapanatili ang kanilang pagsasama.

LAST NA ANG 'THE OTHER WIFE': Joem Bascon, titigil muna sa sexy films dahil kay Meryll Soriano?
Joem Bascon

Sa pelikula, asawa ni Joem (bilang si Ronnie) si Lovi (bilang si Janis).   Magbabakasyon sila sa probinsya, sa rest house ng pamilya ni Ronnie at doon, makikilala ni Janis ang kababata ni Ronnie na si Luisa (Rhen) at magkakaroon ito ng mabigat na papel sa buhay nilang mag-asawa.

Pero, aminado si Joem na hindi niya ito ipapanood sa nakabalikang jowa na si Meryll Soriano, ina ng kanyang panganay na anak na si Baby Guido.

“Hindi na po siguro… Okay na po munang sa bahay na lang siya… Baka po magalit sa akin. Hahaha!” tawa ni Joem sa face to face presscon ng said film sa Botejyu sa Estancia Mall sa Pasig.

Base sa trailer, may element of mystery ang istorya kaya’t hindi tiyak kung totoong tao ba o multo ang character ni Rhen.

Pero kitang-kita nga sa trailer na may mga sizzling scenes si Joem hindi lang kay Lovi, kundi pati na kay Rhen, na nagpa-sexy na rin last year sa “Adan” (isang katomboyang pelikula with Cindy Miranda).

LAST NA ANG 'THE OTHER WIFE': Joem Bascon, titigil muna sa sexy films dahil kay Meryll Soriano?
Joem Bascon and Rhen Escano

As per Joem’s filmography, marami na rin siyang nilabasang pelikulang may sexy genre tulad ng “Lihis” (gay film), “Double Twisting Double Back”, at “The Annulment” (also with Lovi).

Pero itong “The Other Wife” nga ang pagbabalik-sexy ni Joem sa pelikula, and his first – ngayong mag-asawa na sila ni Meryll, at isa na siyang tatay.

Pinagpaalam muna ba ni Joem kay Meryll ang pagpapasexy niya dito – na may sizzling hot scenes siya with Lovi at Rhen?

“Yes. Pinapaalam ko po… Napag-usapan naman namin ni Meme (nickname ni Meryll),” pag-amin niya.

“I guess sa tulong naman ni Direk Prime at ng buong production, naayos naman, napag-usapan naman.

“Minsan, may mga bagay na ‘pag nandoon na set kailangang pag-usapan, kailangang i-tone down.  Kung kailangang ayusin, baguhin napag-uusapan naman po.”

Ayon pa rin sa versatile actor, pahinga muna siya sa paggawa ng mga pelikulang may sexy genre after ‘’The Other Wife”

“I guess after this movie, siguro, magto-tone down muna ako sa mga (sexy) films na gagawin ko.

“Hindi naman dahil sa I’m now a dad, kundi gusto ko lang sumubok pa ng ibang genre.”

USAPANG KASAL WITH MERYLL

 

Susunod na ba ang kasal sa kanila ni Meryll ? 

“Naka-focus po muna kami ngayon kay Guido, sa baby namin. 

“Kung pag-uusapan ’yong sa kasal, ’yong sa pag-aasawa, hindi ko pa masasagot sa ngayon.  Siguro sa susunod nating pagkikita na presscon!

“Siguro sa kasal, wala pa naman pong natatanong o nababanggit or napag-uusapan.

“Pero as of now, ini-enjoy lang po namin ’yong time namin together with the baby and sobrang saya lang namin dalawa na naka-focus lang kami at nasa bahay lang kami.

“Ang napag-uusapan lang po namin sa ngayon ay pagpapalit ng diaper ni Guido.  Hahaha!” tawa pa ni Joem.

LAST NA ANG 'THE OTHER WIFE': Joem Bascon, titigil muna sa sexy films dahil kay Meryll Soriano?
Joem Bascon

Samantala, hindi pa pala natatawag ni Joem na ‘’dad’’ or even ‘’tito‘‘ ang ama ni Meryl na si Willie Revillame. 

‘‘Sir Willie“ kung i-address nito ang kanyang biyenang-hilaw, na ilang beses na rin daw niyang na-meet in person.

“Masyado po kasi akong star struck sa kanya,“ ani Joem.

Sa mga pagdalaw-dalaw daw nila ni Meryll kay Willie para ipasyal si Baby Guido or kapag sinasabihan silang dalhin ang bata doon ay nakakapag-tsikahan naman daw sila kahit papaano tungkol sa buhay-buhay.”

Wala rin daw kabayaran ang kaligayahang nararamdaman nila everytime na madala nila ang anak sa bahay ni Willie.

“’Pag dinadala namin ’yong baby naming sa kanya, sobrang gigil na gigil siya doon sa anak naming.  And kahit na papaano ay nakakapag-usap kami.

“So, ’yong kasiyahan lang na makita namin na masaya siya sa apo niya, sobrang parang regalo na para sa amin ni Meryll.

“And pag nag-uusap, in passing, kung ano ’yong nangyayari sa buhay namin, kung ano ’yong nangyayari sa work… ’yon ang napapag-kuwentuhan.

“’Yung mga advice po na nabibigay sa amin when it comes to work, when it comes to our personal life,” pagtatapos ni Joem.