LAST FOOL SHOW: Arci Munoz at JM de Guzman, maraming naloko sa #FromBestFriendsToLovers (it’s a prank!)

MARAMING asumera ang naloko ng longtime besties na sina Arci Munoz at JM de Guzman.

Hindi naman lihim sa showbiz na matagal nang magkaibigan sina Arci Munoz at JM de Guzman. Magkakilala na sila noon pang pareho silang estudyante sa UP at hindi pa sikat sa showbiz. Muling nagkatrabaho ang dalawa nang pagtambalin sila sa sexy romance-comedy film na ‘Last Fool Show’ noong 2019 at nagkasama rin sa family drama series na ‘Pamilya Ko’.

LAST FOOL SHOW: Arci Munoz at JM de Guzman, maraming naloko sa #FromBestFriendsToLovers (it's a prank!)
JM de Guzman and Arci Munoz

From then on ay naging constant na sa buhay ni Arci si JM. Noong June 2020 ay sabay sila na sumabak sa Basic Military Training at ngayo’y certified Air Force Reservists na. Palagi rin nakikita na magkasama ang dalawa sa bahay na kumakain kasama ang pamilya ni Arci. Minsan pa nga ay sinasakyan ni JM ang trip ng kanyang bestie sa pagfafaney sa BTS.

Kung sa chemistry ay swak na swak sila hindi lang sa pisikal kundi maging sa kani-kanilang trip. Hindi ba’t masaya to fall in love with your bestfriend after all the heartaches you’ve been through?

Dahil na rin siguro sa magandang friendship history ng dalawa kaya naman marami ang umasa na para kina JM at Arci ang hashtags na #frombestfriendstolovers #mayforever at #righttime. Inupload ito ni Arci sa kanyang Instagram post na may pa-teaser para sa kanyang ‘Boracay Revelations’ vlog na naka-schedule mapublish ngayong araw.

At dumating na nga ang araw ng ‘revelations’. Joke lang pala ni JM kay Arci ang pag-abot ng bouquet of flowers sa kanya dahil iyon pala ang ibibigay ng younger brother ni Arci na si Manolet Muñoz sa kanyang girlfriend (now fiance) na si  Kris Lontoc. Katulad ng karamihan sa nakakita ng pa-teaser video, akala ni Kris ay finally ‘umamin’ na si JM ng kanyang intensyong panliligaw kay Arci.

Technically, hindi nagsinungaling si Arci sa kanyang post dahil para sa newly-engaged couple ang pa-hashtags. Wala nga naman siyang nilagay na applicable iyon sa kanya.

But still, until now ay may mga hopia pa rin na fans nina JM at Arci. Kasi why not nga naman, ‘diba? Sabi nga ng mga kapwa ARMY ni Arci, kahit na hindi si Park Jimin o JM ng BTS na bias niya ang nakatuluyan niya, mas espesyal na ‘JM’ naman ang nagpatibok ng kanyang puso.

Hmmm… hoping pa rin kami. Baka dapat ay kantahan ni JM si Arci ng Serendipity ni Park Jimin kahit na ang linyang ‘just let me love you’ lang? Hopia pa more!