Lassy Marquez pinaibig ng kapwa bading na kasamahan sa Beks Battalion

Leo Bukas

DALAWANG beses na palang ng na-experience ni Lassy Marquez ang catfishing. Ang ibig sabihin ng catfishing ay ang paggamit ng ibang identity sa social media para makapanloko ng tao at makuha ang mga gusto nila.

“Actually, dalawa ang nangyaring ganyan sa akin, eh. Nung nasa Punchline (comedy bar) ako yung nambiktima, mga taong 2006 yon. Eto yung pina-in love ko siya,” kuwento ng komedyante na bida sa pelikula ni Direk Darryl Yap na Sarap Mong Patayin.

Lassy Marquez pinaibig ng kapwa bading na kasamahan sa Beks Battalion
Lassy Marquez

Patuloy niyang kuwento,  “Nagpapadala ako ng mga messages na sweet, meet tayo, so one week ko siyang ginanun.

“Eto namang si bakla, one time natutulog ako biglang may tumawag, so naalimpungatan ako. ‘Bakling, hello bakit?’

“Kasi ang alam niya lalaki talaga ako – boses lalaki, mga salitang panlalaki na pinapa-in love ko siya. Then yon nga, nagalit siya sa akin kasi nabuko niya ako.

“Yung pangalawa naman, ang nangyari si Chad Kinis, (kasamahan niya sa Beks Battalion) ginanyan din niya ako before. Yung pina-inlove niya ako, niligawan ako at paniwalang-paniwala ako. May pagka-gullible ako minsan, eh. Yung masabihan lang ako ng, ‘Ang ganda mo naman,’ ayun maniniwala naman ako.

“Boses lalaki siya at in-stalk daw niya ako so alam niya yung background ko talaga, so naniwala ako kasi alam niya, eh.”

Wala naman daw money involved sa mga nangyari.

“Di naman ako umabot sa punto na magpapadala ako ng pera sa kung anu-anumang money remittance, money transfer, wala talaga,” giit pa niya.

Aminado naman si Lassy na pagkatapos sumikat sa Youtube ng kanilang grupo nina Chad at MC ay mas dumami ang lalaking gustong makipagkaibigan sa kanya na ang iba ay nire-request pa na maka-date siya.

“Noon kasi, walang masyadong nagme-message sa akin, walang nagpapa-add sa akin, wala talaga noon as in. So, eto na, lumilipas ang panahon, kagaya ngayon ang dami ng nagme-message sa akin, so wala pa naman silang perang hinihingi sa akin.

“Gusto lang nila yung makipag-meet sa akin, makipag-meet ako or mag-dinner kami, yung mga ganung eksena. Pero hindi naman umabot sa puntong humihingi sila sa akin ng kung anuman. Walang presyuhang nagaganap, walang ganun,” nakangiti at feeling long-hair na komento ni Lassy sabay tawala nang malakas.

Kasama ni Lassy sa Sarap Mong Patayin na mapapanood sa Vivamax simula October 15 sina Kit Thompson at Ariella Arida.