Laos na director, matino raw ang pagkatao at ‘di nagmumura sa extra… pero showbiz newcomer, pinagkaperahan

ADVERTISING

NATAWA NA lang kami sa kiyaw-kiyaw ng isang laos na director kaugnay sa issue ng isang extra na pinagmumura ng female director.

Ang chika niya, matino ang pagkatao niya, na hindi siya nagmumura sa mga extra noong director pa siya, na maganda ang kanyang pakitungo sa lahat.

Tell it to the marines, laos na director.

Kung maayos ang pagkatao mo, bakit inisahan mo ang isang baguhan?

Kalat na kalat na sa showbiz ang katarantaduhang ginawa mo sa isang male newcomer na pinagkakitaan mo.

ADVERTISING

Nagpatawag ka ng presscon for the newbie pero inisahan mo naman siya. Sabi mo, give ka ng P5k bawat press pero P1k lang ang ibinigay mo. Sabi mo, P60K ang photographer’s fee, pero P6K lang ibinigay mo. Isinumpa ka nga ng manager ng newcomer dahil sa ginawa mo, ‘no!

 

By Alex Brosas

ADVERTISING