Laos na celebrity, punta nang punta sa awards night kahit ‘di invited!

NITONG NAKARAANG AWARDS night lang ng isang samahan ng mga manunulat sa showbiz, tawa kami nang tawa nang makita namin ulit ang isang celebrity na medyo la-ocean deep na rin. Kuntodo porma pa rin ito at parang gustong mang-agaw talaga ng eksena.

Kaya naman kinausap namin ang isang member ng nasabing award-giving body. Ask namin, friend nominated ba si madam, kasi ‘andito siya? Sabi niya, hindi friend, ewan ko nga ba kung bakit nandito siya? Hahaha!

Sabi ko, hindi n’yo ba siya inimbita na maging presentor man lang? Sagot nito, hindi friend, hindi talaga. Hayaan mo na friend hindi naman siya busy eh, naging kaibigan ko rin ‘yan nu’ng kanyang prime, sabay halakhak ng aming mahaderang kaibigan.

Naku madam nakakaloka ka talaga. May asim ka pa ba talaga?

(By Arniel Serato)

Previous articleDerek Ramsay, nagpapagaling mula sa aksidente sa frisbee!
Next articleSa mga pahayag ni KC Concepcion sa break-up nila Piolo Pascual, no comment!

No posts to display