Lani Misalucha, ‘di makuntento sa kanyang itsura

ADVERTISING

Lani Misalucha, ‘di makuntento sa kanyang itsura

Lani-MisaluchaANO’NG NANGYARI sa mukha ni Lani Misalucha. Kagabi ko lang napansin na parang hindi na siya ‘yong Lani na namumukhaan ko. Nang makita ko ‘yong isang tarpaulin ng kanyang show sa Araneta Coliseum, hindi ko na siya nakilala kung hindi pa nag-sink in sa akin ‘yong titulo ng concert niya na ang first four letters ng concert title ay “Lani”. Nagulat ako sa pagbabago niya. Bukod naman kasi sa ginaya ang lay-out ng isang album cover ni Barbara Streisand, nanibago ako sa itsura niya.

Masyado naman yata niyang pinaayos sa doctor ang dating mukha na para sa akin oks na ‘yong dati, dahil hinahangaan ko naman siya at ng mga libu-libo niyang mga fans dahil sa boses niya. Sa mga photos niya lately, ang mukha niya parang sculptures eskayola. Pangit tingnan. Nawala tuloy ang karakter ng mukha niyang eksotika kahit kung ano man siya, tinanggap siya at ang itsura niya ng mga naniniwala sa talent niya.

I haven’t heard Lani sing after nabago ang itsura niya. Hopefully, walang nagbago. Pero comment ng isang blogger, parang may pagka-nasal na diumano ang tunog ng boses niya. Siguro naapektuhan sa pagpapagawa niya ng kanyang ilong at ng kanyang mukha na para sa amin, delikado lalo pa’t singer ka na ang puhunan mo ay ang boses mo na sa konting kalikot ng siyensya ay baka madiskaril. Sabi ng kaibigang Glenn Regondola, external nose job lang daw ang ginawa sa ilong ni Lani kaya nothing to worry.

May mga tao talaga na hindi nakunkuntento kung ano man meron sila. Imbis na okey na ‘yong iba, dahil sa pagpapakalikot, lumalala tuloy ang mga itsura nila.

ADVERTISING

Every Sunday, may napapanood akong bagong show sa E Channel ang “Botched” na kaloka ang mga transformation ng mga mukha ng mga naghahangad ng kagandahan. Nakadidiri kung tutuusin ‘yong iba na dahil sa hangad na maging maganda sila, kung anu-anong pagre-retoke ang ginagawa nila sa kanilang mga mukha at katawan.

I just don’t know kung napanood na ni Lani ito. Sana, hindi pa huli at hindi pa naaapektuhan ang boses niya. ‘Pag nagkataon, sayang. Fan pa naman niya ako.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING