Lani Misalucha, ‘di ikinahihiya ang pagpaparetoke ng ilong

ADVERTISING

Lani Misalucha, ‘di ikinahihiya ang pagpaparetoke ng ilong

Lani-MisaluchaBUONG-NINGNING NA inamin ni Lani Misalucha sa presscon ng kanyang upcoming concert sa Araneta Coliseum titled La Nightingale ang tungkol sa kanyang pagpaparetoke maraming taon na ang nakararaan.

Pilit pa ngang nire-recall ni Lani kung magkano ang ibinayad niya noon sa kanyang nose job, pero hindi na niya ito maalala. “Medyo mura pa noon. Parang… P40k ‘ata, pero hindi ako sigurado,” sey pa niya.

Hindi naman daw nakaapekto sa kanyang boses ang ginawa niyang pagpaparetoke dahil may in-inject lang sa kanyang ilong na eventually ay naging bone na, kaya very safe daw ito.

Bago ang nose job, una munang ipinaayos ni Lani noon ang kanyang ngipin. “Napansin agad nila ‘yon. Akala nila, nagparetoke na ako, eh, ipin ko pa ang ipinaayos ko kasi sa pamilya namin, hindi talaga kami biniyayaan ng magagandang ngipin,” kuwento pa niya.

ADVERTISING

“Then, ‘yung ilong ko na… Kasi sa tingin ko, kailangan, eh. Dahil kung ‘yon ngang hindi napapanood sa TV o hindi nagpi-perform ay nagpapa-enhance ako pa ba na araw-araw, eh, nasa stage at nasa TV? Kailangan ko rin siyempreng to look good,” katuwiran pa ng Asia ’s Nightingale.

Ayon pa sa kanya, nadagdagan ang kanyang self-confidence habang kumakanta dahil sa kanyang pagpaparetoke at hindi raw niya ito ikinahiya.

“Bakit naman ako mahihiya. Pera ko naman ang ginamit kong pambayad sa ipinagawa ko. Hahaha!” biro pa niya.

Magaganap ang La Nightingale concert ni Lani sa Araneta Coliseum sa Dec. 6. Available na ang tiket sa Ticketnet hotline at 911-5555 at sa Araneta Coliseum.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING