Lani Mercado, walang pinag-iba kay Susan Roces

ADVERTISING

Lani Mercado, walang pinag-iba kay Susan Roces

Lani-MercadoSI CONGRESSWOMAN Lani Mercado ang sumunod sa yapak ng pagiging dakilang legal wife ng dating movie queen na si Susan Roces. Kung nanahimik lang noon si Tita Susan at hindi nagpaapekto sa sobrang pagiging lapitin ng mga kababaihan ni yumaong Action King si Fernando Poe, Jr., si Lani man ay ganu’n din. Dahil sa panahong kaliwa’t kanan ang balitang kung sinu-sinong babae raw sa loob at labas ng showbiz ang idine-date ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ay nanahimik lang din si Mercado.

Martir na asawa si Cong. Lani, dahil nu’ng wala pa siya sa larangan ng pulitika at tinatawag pa lang siya ni Manay Lolit Solis bilang simpleng may bahay ni Sen. Bong, ay iniiyakan na lang daw ni Lani ang pagkaka-link ni Sen. Bong sa mga magaganda’t seksing artista na may pagka-lukaret, dahil sila pa yata ang proud na matawag na kabit ni Bong. Marami ang natuwa para kay Lani nitong mga huling panahon na hindi na nali-link ang kanyang husband sa kung sinu-sinong babae.

Nasa malamlam na sitwasyon ngayon ang career ni Sen. Bong dahil sa diumano’y pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pork barrel scam. Napakaraming kaibigan ng pamilya nina Sen. Bong at Cong. Lani, pero sa ngayon ay nararamdaman na nila kung sinu-sino ang mga totoo nilang kaibigan at hindi nang-iiwan. Pero bilang asawa, anuman ang mga masasakit na paratang ngayon kay Bong ay si Lani ang pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob. Dahil noon at ngayon, napakadakilang asawa ni Lani.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING