Lani Mercado, may bigat sa dibdib ang pagbati sa kaarawan ni Bong Revilla

Bong Revilla-Lani-MercadoKAARAWAN NI Senador Bong Revilla last September 25 at kaugnay nito ay nagbigay ng kanyang mensahe at pagbati ang kanyang butihing maybahay na si Lani Mercado sa kanyang Facebook account.

Maikli lang ang mensahe ni Cong. Lani, pero ramdam na ramdam mo naman ang bigat ng kanyang nararamdaman para sa mister na mahigit isang taon nang nakakulong sa Camp Crame.

“Malungkot man ang kalagayan at kinalalagyan ay ipinagdiriwang pa rin ang kaarawan ng aking mahal Senator Bong Revilla. Panalangin namin ang iyong kalayaan. Mahal ka namin at patuloy na susuportahan. Maligayang Kaarawan Papa,” post ni Lani.

Hindi man kami nakapupunta sa kulungan ni Sen. Bong ay taos-puso kaming bumabati ng maligayang kaarawan sa mahal naming aktor at tagapagtanggol ng mga nangangailangan at naaapi.

Dahil sa ginawa sa inyo nina Senator Jinggoy Estrada, isang milagro lang kung mananalo ang lahat ng manok ni PNoy.

Happy 49th birthday birthday po, Senator Bong!

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleMayor Herbert Bautista, parang talk show ‘pag nakipagtsikahan sa press
Next articleVice Ganda, happy sa mahigit 6 million tweets ng noontime show

No posts to display