Lani Mercado, inisnab ang SONA ni PNoy

ADVERTISING

Lani Mercado, inisnab ang SONA ni PNoy

Lani-MercadoANG DAMING reporters na gustong interbyuhin si Lani Mercado dahil sa ‘di niya pagdalo sa SONA, pero tumanggi ito. Ayaw na lang daw niyang magsalita.

Ang sabi lang niya, kung ano ang statement ng minority, doon na rin siya.

Expected na ‘yung ‘di niya pagdalo sa SONA kaya hindi na isyu ‘yun.

Ang alam ko, dumalo siya sa attendance, pagkatapos nu’n ay meron daw siyang dinaluhan na event sa Tagaytay, at dumalaw na rin tuloy kay Bong.

ADVERTISING

Balik na sa trabaho si Lani sa Kongreso at naayos na raw niya ang schedule niya para hindi mag-conflict sa pagdalaw niya kay Bong sa Crame.

Kung ano ‘yung dating schedule ng pagdalaw niya, ganu’n pa rin ngayon kahit kailangan niyang nasa Congress. Hindi na nga lang kasintagal ng dati, dahil kailangan niyang pumasok sa Kongreso.

In fairness kay Lani, napasali pala siya sa survey ng mga senatoriables at tumaas daw ito.

Nagulat nga si Lani dahil wala naman daw siyang balak na tumakbong senador pero napasama pa siya sa survey.

Kung sakali, gusto pa rin ni Lani na manilbihan sa Bacoor dahil marami pa siyang mga projects na kailangan tapusin.

Naku! Kailangan ko nang dumalaw uli kina Bong at Jinggoy dahil matagal-tagal na ring hindi ako nakadalaw sa kanila.

Ang isa pa palang gusto kong purihin na nakaw-eksena sa SONA ay sina Lucy Torres-Gomez, Heart Evangelista na sinamahan si Sen. Chiz Escudero, si Sen. Grace Poe at siyempre ang alaga kong si Alfred Vargas na malaki na ang ipinayat, kasama ang napakaganda niyang asawang si Yasmine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING