Lance Raymundo, mas positibo na ang pananaw sa buhay

ADVERTISING

Lance Raymundo, mas positibo na ang pananaw sa buhay

Lance-RaymundoISANG MAS maamo ang mukha, mas positibo ang pananaw sa buhay na Lance Raymundo ang humarap sa amin nu’ng nakaraang Lunes para sa birthday party cum thanksgiving niya. Ito na ang pangalawang buhay ng aktor pagkatapos niyang mahulugan ng 95 lbs na barbell sa mukha na munitk nang kumitil sa buhay niya nang mag-gym siya.

ADVERTISING

Naikuwento ni Lance na habang nagpapagaling siya ay nakarinig siya ng boses na gagaling siya at nang tingan niya ang blanket na gamit niya ay may nakita siyang imahe ng isang lalaki na may balbas at isang babae na nakayuko na may belo. Nang patingnan daw niya ito sa kanyang butihing ina, kamukha pala ito ni Mother Ignacia kung saan devotee ang kanyang Mommy.

Para kay Lance, higit sa pisikal na lakas, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ang nakatulong para malagpasan niya ang mabigat na aksidenteng pinagdaanan.

Nakabibilib din ang bait ni Lance dahil imbes na ipatanggal ang trainor niya sa gym nang araw na iyon, nang malaman na inalis ito ay kinakusap niya ang management na ibalik ito sa trabaho dahil alam niya na wala naman itong alam na ibang mapagkakakitaan. ‘Di rin nagsilbing trauma sa kanya ang nangyari, apat na buwan siyang ‘di puwedeng magbuhat ng mabibigat dahil sa operasyon, pero pagkatpos nito ay babalik siya ng gym, kahit pa nga sa gym kung saan naganap ang nasabing aksidente.

ADVERTISING

Sa kabila ng sobrang sakit at ‘di biro-birong pinagdaanan niya, naniniwala si Lance na may posiitbong epekto ang mga nangyari. Ngayon nga ay may beauty product na ieendorso si Lance, isang pelikula na base sa buhay niya sa ilalim ng direksyon ni Direk Elwood Perez at isang international film na may titulong A Thief, a Kid, A Killer na naipalabas na sa ibang bansa, pero malapit na ring mapanood sa bansa sa susunod na mga buwan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING