Lalaking pinakasalan ni Roxanne Barcelo itinatago ang identity

Leo Bukas

BUMULAGA sa social media noong mismong Pasko ang post ni Roxanne Barcelo na Instagram account na kasal na siya. Sa post ni Roxanne ay suot niya ang wedding gown habang nakayakap sa lalaking pinakasalan.

“Merry Christmas from me and my husband,” caption ni Roxanne sa kanyang IG post. Sa isa namang wedding photo ay may caption itong “My Creator’s best gift ever.”

Lalaking pinakasalan ni Roxanne Barcelo itinatago ang identity
Roxanne Barcelo with mystery groom

Sa YouTube vlog ni Roxanne itled “Hear Me Out” ay nagbigay din siya ng 12 updates sa kanyang buhay si Roxanne at sa ika-12 update, ipinakita niya ang suot na wedding ring and said, “the 12th update is that I got married!”

Patuloy niya, “Roxanne is officially married. I am taken! Like I said in my vlog before, he is worth the wait. And guess what, so am I.”

Ang medyo nakakaintriga lang ay hindi niya sinasabi kung sino ang guy na kanyang pinakasalan. Nakatalikod din ang guy sa photo ni ipinost ni Roxanne kaya hindi makita ang identity nito.

Sino nga kaya ang lalaking pinakasalan ni Roxanne pagkatapos ng matagal niyang pakikipagrelasyon sa actor-model na si Will Devaughn.