Lala Aunor, muntik na namang mabiktima ng dugo-dugo gang

Lala Aunor, muntik na namang mabiktima ng dugo-dugo gang

Lala Aunor, muntik na namang mabiktima ng dugo-dugo gangMuntik-muntikan nang na-take two ang pambibiktima sa dating teen star na si Ms. Maribel “Lala” Aunor na ina ng pop singer ng Star Music na si Marion.

Dati na palang naging biktima si Lala Aunor ng mga sindikatong ‘dugo-gugo gang’.

Sa kanyang Facebook account, inilahad ni Lala ang pangyayari.

Pagkukuwento niya sa kanyang FB: “Be careful with Dugo-Dugo Gang or Budol Budol!!! This syndicate strikes again! I just don’t have an idea how did they get my number and they know my name too.

“They called my landline today (Saturday, February 6) at around 1:30 pm just to inform my househelp that I had an accident. They did this when we were out of the house already but sorry to them they failed to do their modus operandi.

“I was just so lucky that I have a smart and loyal caretaker of the house and that’s Belen. Thank you Lord for saving us!!! Ingat-ingat po. Don’t be victimized by this syndicate,” paalala niya sa mga kaibigan at sa kanyang mga FB followers.

Sa panahon na marami ang nagugutom at naghihirap dahil sa tuwid na daan, pero baku-bako at baluktot din naman, kaliwa’t kanan ang mga karaketan ng mga masasamang loob (na hindi masawata ng rehimeng PNoy na gusto pang ipagpatuoy ni Mar Roxas), kawawa ang sambayanang Pilipino.

Mabuti naman at smart ang kasambahay ni Ms. Lala na si Belen, or else siya na naman ang biktima ng mga budol-budol (dugo-dugo gang) syndicate.

Reyted K
By RK VillaCorta