Lala Aunor, masamang-masama ang loob kay Vice Ganda

ADVERTISING

Lala Aunor, masamang-masama ang loob kay Vice Ganda

Lala Aunor & Vice Ganda
Lala Aunor & Vice Ganda

May sentimyento ang kaibigang Maribel “Lala” Aunor na ina ng pop singer-composer na si Marion sa nakaraang “We Love OPM” episode last weekend.

Nainsulto siya sa statemet ni Vice Ganda na sintunado ang grupo nina Marion, Marlo Mortel, and another newbie sa performance nila sa reality show.

Sa kanyang Facebook account, masama ang loob ng dating “Apat na Sikat” member noong late 70’s na kilala as Arnold Gamboa’s TV partner noon.

She wrote on her FB: “So sad na nadala pa sa comment ni Vice Ganda ang audience sa sinabi nyang may nag-sintonado. Ganun ba kagaling ang tenga nya sa music? Underdog masyado ang group nila(Marion) ‪#‎Teampowerchords . Ilang beses ko inulit-ulit ang video. For me, wala naman nag-sintonado sa kanila since singers talaga silang tatlo. And Marion came from a family of singers and musicians.

ADVERTISING

“Huwag naman sana ganun at ginawa pa silang laughing stock ng mga mentors during Tres Kantos.

“This is below the belt na po. Sana huwag mangyari sa kanila ang ginawa nila sa tatlo. Bilog ang mundo , remember?”

Sinabi pa ni Ms. Lala sa isang panayam sa kanya tungkol sa statement ni Vice: “Nakao-offend naman at nakasisira sa career din ni Marion ‘yong sinabi niya na may sintunado sa grupo nila. Sana diniretso na lang sana niya kung sino ang sintunado sa trio nila,” pahayag ni Ms. Lala.

“Nakasasama lang ng loob para sa isang mother na nag-i-struggle si Marion sa music industry na ngayon ay hirap ngang matanggap ang klase ng musicality niya na marami ang nagsasabi na mahirap tanggapin dahil masyadong mataas.”

Dagdag pa ni Ms Lala, “hindi naman singer si Vice para mag-comment ng ganun sa isang singer gayong komedyante naman siya.”

Para sa ina ni Marion, “It’s below the belt na.”

Dagdag pa ng late 70’s sensation: “Sa grand finals, hindi naman kami umaasa na makakuha sina Marion at ng grupo nila ng mataas na score. Respeto man lang sana para kay Marion at sa ibang mga singers na kasali sa competition,” pagtatapos na Lala.

Our column is open naman sa explanation ni Vice tungkol sa isyung ito.

Alam ng personal assistant niya na si Jan Bariuad how to contact us. Salamat.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING