Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?!

ADVERTISING

Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?!

Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?! VICTORY PARTY ‘yon last Wednesday night para box-office success ng UnOfficially Yours. Siyempre pa, masaya dapat ang lahat ng nandoon. Tuwang-tuwa ang buong cast dahil tinalo na ng Angel Locsin-John Lloyd Cruz movie, na showing pa rin hanggang ngayon, ang My Amnesia Girl nina John Lloyd at Toni Gonzaga. As of two nights ago, naka-P165 M na ito sa box-office.

Pero ‘yun nga, sa kabila ng kasiyahang iyon, isang tao ang malungkot. Ayon kasi sa aming source, nakatanggap nga raw ng bonus ang lahat ng cast mula sa Star Cinema. Except for one, si John Lloyd.

Ayon pa rin sa source namin, hindi raw malaman ni John Lloyd kung bakit lahat ay nabigyan ng bonus, ultimo ang mga staff, pero siya na tinaguriang Box-Office King, walang natanggap ni singkong duling!

Pinaghihinalaang may “internal problems” kaya hindi binigyan ng bonus si John Lloyd. Pero may nagsasabi namang baka “unofficial” ang chikka na ito at bigla na lang sorpresahin ng bonus si John Lloyd ng Star Cinema.
‘Eto na. Dahil nga raw sa sobrang sama ng loob, right after the party, ay nagyaya si John Lloyd sa isang bar sa may Panay Avenue. Doon na ibinuhos ni John Lloyd sa mga kasamang stafff ang kanyang sama ng loob sa Star Cinema.

ADVERTISING

 

AI-AI, ILANG ARAW NANG ‘DI TUMUTUNTONG SA BAKURAN NG DOS!

 

‘ETO PA ang isang istorya ng ‘sama ng loob’. Ilang araw na nga raw hindi tumutuntong si Ai-Ai delas Alas sa bakuran ng ABS-CBN, mula nang mag-guest ito sa KrisTV.

Ang kuwento ng aming source, sobrang nairita raw si Ai-Ai dahil sa isang insidenteng hindi kinaya ng powers niya.

“Nakikiusap kasi si Ai-Ai sa security guard na baka puwedeng ibaba na lang siya ng driver niya malapit sa studio, at aalis din agad ang sasakyan niya pagbaba sa kanya. Eh, hindi pinagbigyan… ayun, nairita si Ai-Ai!” Sabi ng source.

Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?!

Pero okay lang naman daw ‘yon sa komedyana. Ang ipinagsisintir ni Ai-Ai, ayon sa source, ay ‘yung nagpapasundo na siya sa driver pero sinabihan siyang ayaw talagang pumayag ng security na sunduin siya na kaunin siya sa gusto niyang area.

Kaya naman daw ang nangyari, mahaba-habang lakaran ang inabot ni Ai-Ai mula sa new building patungo sa lobby ng old building para masundo lang siya.

At mula nga raw noon, nagdeklara na ang komedyana na hindi na muna siya tutuntong sa ABS-CBN. Dahil din dito, kung kaya’t sa halip na sa ABS-CBN ginawa ang presscon ng Wako Wako, ay sa ibang lugar na lang outside ABS-CBN ginanap.

Hindi raw kasi darating si Ai-Ai kung sa loob ng ABS-CBN gagawin ang presscon.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING