Laging ka-date si Aubrey Miles: JACQ YU, TIBO?!

ADVERTISING

Laging ka-date si Aubrey Miles: JACQ YU, TIBO?!Laging ka-date si Aubrey Miles: JACQ YU, TIBO?!EWAN KUNG TOTOO pero from an anonymous sender nanggaling ang text message sa amin na may nagsusulsol lang daw kay Cristine Reyes from the cyber group Ampalaya Anonymous na mag-react nang mag-react sa kanilang word war ni Pauleen Luna para umingay ang kanyang career.

Dahil sa texter na ‘yon e, nagkaroon tuloy kami ng comparative analysis between the two lady warriors and based from our research, mas busy si Pauleen kesa kay Cristine in terms of TV appearances.

ADVERTISING

Save from the outside shows and movies na ginagawa nila (if there’s any) e, mas bongga ang career ng Kapuso star kesa sa utol ni Ara Mina at dahil diyan, mukhang may point nga ang aming anonymous texter.

Puwede nga naming sabihin na gumigimik lang si Cristine para makapag-ingay at mapansin muli ang kanyang beauty para bumongga ulit ang kanyang TV career, hendehvah, anonymous texter?

Pero teka. Hindi kaya ang anonymous texter namin e, galing din sa grupong Ampalaya Anonymous?

ADVERTISING

Esep-esep…

ANG BALITA SA amin ng isang Kapamilya personality, nagkaroon daw ng “mass exodus” recently from Channel 2 to Channel 5 ang ilan sa kanilang mga stars. Kanya-kanya raw silang hanapan ng padrino para makapasok sa TV5 kung saan ang balita e, triple ang talent fee na ibinibigay.

Kaya si Jacq Yu, no regrets sa kanyang naging desisyon nu’n na hindi na mag-renew ng kontrata sa Star Magic para magkaroon ng growth ang kanyang career at mukhang nagbubunga naman ang kanyang ginawang move.

Bukod sa indie film na kanyang ginawa e, nagkaroon din siya ng dalawang bonggang TV commercials kasama na ang isang roof sealant kung saan niya naipapakita ang kanyang singing prowess via their roadshow all over the ‘Pinas.

She is also preparing for a shoot in a music video kung saan makakasama niya ang isang international star after niyang lumabas sa 100 sexiest ng FHM sa July 15 and for sure, kung nakatali pa rin siya sa Star Magic hanggang ngayon e, hindi niya ito magagawa dahil sa dami ng prosesong pinagdaraanan ng mga would be clients kapag nag-i-inquire sa network, pwamis!!!

Pero teka. May nakapagsabi sa amin na tibo, as in tomboy, daw si Jacq, the reason kung bakit hanggang ngayon e, wala pa rin itong steady date na boylet.

Hmmm… ‘yon kaya ang dahilan kung bakit recently e, laging silang dalawa ni Aubrey Miles ang magka-date? Teka, silang dalawa ba ni Aubrey ang mag-on? Just asking…

MUKHANG PINANININ-DIGAN NA ni Joed Serrano ang kanyang pagiging Mega producer dahil kung hindi e, walang takot ba naman niyang tatapatan ang malaking concert ni KC Concepcion come October 16.

Ayaw pa niyang sabihin ang detalye pero according to Joed, ang Ms. Philippines, The Animal Division concert daw ang kanyang itatapat head-on sa show ni KC kung saan kasama ang tatlong mabibigat na concert comedian artists sa showbiz.

Sabi ng aming sources, malamang dawe, kasama sa concert na ‘yon ni Joed sina Ai-Ai de las Alas and Vice Ganda at ‘yon daw ang kanyang itatapat sa malaking show ni KC sa October, na siguradong susuportahan naman ni Megastar Sharon Cuneta.

Ang BNaked, The Ultimate Denim Fashion show on 10-10-10 and ang Star Awards 10-30-10 ang iba pang mga proyekto ni Joed kaya sino pa ang aapela diyan sa kanyang pagiging Megaproducer of the year, aber?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING