Lagi na lang ginagawan ng nega issue
Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intriga

ADVERTISING

<i>Lagi na lang ginagawan ng nega issue</i><br>Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intriga

<i>Lagi na lang ginagawan ng nega issue</i><br>Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intrigaAYAW NANG patulan ni Marian Rivera ang mga intrigang naglabasan na naging cause of delay daw ito sa taping ng Genesis nang dumalaw ito kay Dingdong Dantes.

Maraming mga taga-Genesis ang nagsabi na hindi totoo ‘yun. Nagkaroon lang daw ng problema sa production kaya medyo natagalan.

Nalambingan lang daw si Marian na magdala ng pizza dahil blowout daw kay Dingdong sa pagkapanalo niya sa Gawad Tanglaw. Dumaan lang daw siya roon at wala naman daw problema.

Naintriga pang inisnab daw nito si Rhian Ramos, na hindi naman totoo dahil nagkabati naman silang dalawa. Ang alam ko, hindi nga lang tsika nang husto ang dalawa, pero walang isnabang nangyari.

ADVERTISING

Nakakaawa rin si Marian dahil kahit ano na lang ginagawan ng isyu.

Nu’ng nakaraang Linggo nga, siya na ang lumapit kay Heart Evangelista nang magkita sila sa backstage ng Sunday All Stars para wala nang masabi, ‘di ba?

Siya na ang unang bumati para wala nang isyu. Pero siyempre, hindi na sila tsika-tsika gaya nu’ng dati.

Nandu’n pa nga yata si Lovi Poe na dati ring close friend ni Marian, pero mas close na yata sila ngayon ni Heart.

Pero okay lang kay Marian ‘yun dahil marami naman siyang friends na lagi naman sa kanya.

Basta wala lang daw siyang ginagawa, at hindi naman siya inuunahan, wala silang makukuha kay Marian. ‘Yun na!

 

<i>Lagi na lang ginagawan ng nega issue</i><br>Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intrigaNAPAPAG-USAPAN LANG namin ng ilang kaibigan sa isang lunch nu’ng kamakalawa ng hapon ang tungkol kay Cesar Montano na nagsimula na sa Akin Pa Rin ang Bukas sa GMA 7.

Marami kasi ang nakapansin na parang bumabata ito kaya ang duda ng karamihan meron itong pinagawa sa mukha niya kaya nagmukha siyang bata.

Sabi ng manager niyang si Shirley Pizarro, wala raw talaga itong pinagawa dahil ayaw naman ng aktor.

Siguro magaling lang ang make-up artist niya. Pero ang sikreto lang daw talaga ni Cesar ay ang paborito niyang moisturizer na lagi niyang nilalagay sa mukha niya.

Iyon lang daw ang ginagawa at wala raw retoke or something na pinagawa sa mukha niya.

In fairness, effective sa kanya. Kahit dumaan sa matinding problema, bagets pa rin siya.

Ang isa nga sa ginagawa ngayon ni Cesar, dedma na lang sa problema.

Okay naman daw ang usapan nila ni Sunshine sa korte na hati na sila sa mga araw sa mga bata at maayos na raw nilang ginawaga ‘yun.

Naawa lang daw si Cesar sa mga bata dahil apektado sila sa ganu’ng set-up kaya binabawi na lang niya sa extra time na binibigay nito sa kania.

Pero sabi ng ilang close sa mag-asawa, nakikita raw nilang mas masaya ang mga bata kapag kay Cesar sila dahil doon kasi sila sa bahay na kinakalakihan nila at may sarili silang kuwarto du’n. Kaya natutuwa naman daw si Cesar kapag nakikita niya ang mga bata na masaya na kasama siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING