Lady Gaga, demonic ang mensahe ng mga kanta ayon kay Dulce

ADVERTISING

Lady Gaga, demonic ang mensahe ng mga kanta ayon kay Dulce

Lady Gaga, demonic ang mensahe ng mga kanta ayon kay Dulce PRANGKANG SINABI NG original Diva na si Ms. Dulce, sa presscon para sa nalalapit niyang 50th birthday concert this coming August 27 sa Music Museum, na demonic  ang nilalaman ng mga kanta ni Lady Gaga, kaya naman daw ‘di niya ito gusto at ban ito sa kanilang bahay. Hindi niya hinahayaang mapakinggan ito ng kanyang mga anak.

At kahit nga raw tuligsain siya ng mga avid fans ni Lady Gaga sa kanyang binitiwang salita, deadma lang daw si Ms. Dulce, dahil totoo naman daw ang kanyang sinasabi at personal niya itong opinion. At habang sinusuportahan daw ng mga tao ang mga demonic songs ni Lady Gaga, mas lalo lang daw nitong nilulubog sa kasalanan ang internatio-nal singer.

Kaya naman daw kahit sabihin pang trend sa ngayon ang awitin ni Lady Gaga, walang maririnig na awitin nito sa kanyang mala-king concierto. Tsika nga nito na hindi naman daw dahil sa uso ito ay dapat nang awitin, lalo na kung alam mong masama ang nilalaman ng lyrics ng kanta. Mas gusto na lang daw awitin ni Ms. Dulce ang mga awiting sariling atin na maganda ang nilalaman ng lyrics.

Dagdag pa ni Ms. Dulce, kahit nga raw ang iba pang sikat na singers like Beyonce at iba pa, may mga awitin ding naglalaman ng hindi magandang mensahe na dapat na hindi suporta-han ng mga tao. ‘Yun na!

ADVERTISING

 

HINDI DAW IKINAHIHIYA ng isa sa cast ng Pahiram ng isang Ina na si Marco Alcaraz na galante siya sa taong kanyang minamahal.

Tsika nga ng mabait na aktor na ang mga expensive nga na bagay na hindi niya magawang ibili sa kanyang sarili ay nagagawa niyang bilhin para sa kanyang mahal, dahil mahal na mahal niya ‘yung tao. Alam naman daw nito na hindi lang siya ang ganu’ng klaseng lalaki, dahil kahit sino naman daw kasing tao ang nagmamahal ay kayang gawin iyon.

Hindi naman daw issue kung gaano kamahal na regalo ang ibibigay mo sa GF mo, binili mo ito dahil mahal mo siya. Kaya naman daw if ever na may hilingin sa kanya ang kanyang soon to be wife na si Miss International Precious Lara Quigaman, hindi siya magdadalawang-isip na bilhin ito kahit gaano pa ito kamahal, basta kaya ng kanyang bulsa, dahil mahal na mahal niya ito at ang mapasaya ang beauty queen ang kanyang tanging nais.

 

MAS GUSTO RAW mag-focus ng isa sa lead actor ng Pahiram ng Isang Ina na si Jake Vargas sa drama kaysa comedy. Mas madali raw kasi kay Jake na mag-drama dahil may pinag-huhugutan siya, dahil na rin sa ang kanyang ina ay may malubhang sakit (Cancer).

Samantalang hindi raw nito alam kung effective ba siyang komedyante, kung matatawa ba ang mga manonood sa kanyang gagawin. Bukod pa sa hindi raw nito makayang magpatawa lalo na’t nakikita niyang habang tumatagal ay mas hindi nagiging okey ang lagay ng kanyang mahal na ina.

Kaya naman daw kahit very busy siya sa dami ng kanyang projects sa ngayon, pinipilit nitong magkaroon ng oras kasama ang kanyang ina. After daw ng taping ay dumidiretso na kaagad siya sa pag-uwi sa Olongapo, kung saan sila nakatira ng kanyang pamilya, para makasama ang kanyang ina.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING