Labi ni Arci Muñoz, Fake?

ADVERTISING

Labi ni Arci Muñoz, Fake?

Labi ni Arci Muñoz, Fake?
Arci Munoz

KALOKA ANG MGA NETIZENS, HUH! 

ADVERTISING

 

Pati ng pouting lips ng sexy na si Arci Muñoz ay pinagdiskitahan ng mga intrigera sa online na pawang mga bashers.
 

Ang isyu ng mga hitad ay diumano’y nagpa-retoke daw si Arci ng kanyang labi para magmukhang sexy, kaakit-akit at higit sa lahat ay kissable.

 

ADVERTISING
Dumaan daw ito sa “siyensya” (read: nagpretoke) kung bakit ngayon ay iba ang hitsura  at kapal ng labi nito kumpara noong huli siyang humarap sa media.
 

“Nagpapakapal naman talaga ako ng lipstick, e. Nilalagpasan ko ‘yung lipstick ko,” sagot ni Arci nang siya’y tanungin.

 

“If I remove my lipstick, may lagpas lipstick… I’ll probably look the same,” dagdag niya.
 
Paniwala ng dalaga na walang masama kung sakaling magparetoke man or mag-undergo ng plastic surgery ang isang tao.
 
Labi ni Arci Muñoz, Fake?
Arci Munoz

Paliwanag niya: “It’s open naman, ‘di ba? Ako personally, I’m not against it. It’s my body, and whatever is going to make me feel more comfortable and more confident sa aking sarili, I’ll do it.”

 
Para sa sexy actress ng bagong romcom na “Can We Still Be Friends?” ay wala siyang tutol kung sakali gusto man ng isang tao na magparetoke ng kanyang  lips or ibang bahagi ng kanyang katawan para i-enhance ito.
 
Para masaksihan kung ang lips ng dalaga ay binago at dumaan sa cosmetic surgery ay watch natin  ng close-up ang halikan nila ni Gerald Anderson sa pelikula nila  na mapapapanood na simula today, June 14 para sigurado na hindi nagsisinungaling ang dalaga. Ha ha ha…

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING