Laarni Enriquez, pagkain ang pinagkakaabalahan

ADVERTISING

Laarni Enriquez, pagkain ang pinagkakaabalahan

Laarni Enriquez, pagkain ang pinagkakaabalahan
Laarni Enriquez

Just before Christmas, nakatsikahan namin si Miss Laarni Enriquez sa kanyang Maria Maria Café na matatagpuan sa Xavier Street sa harap ng Xavier School sa San Juan.

Naikuwento ni Madam L (kantiyaw namin na tawag sa kanya) na tuwing may special occasions like Christmas at New Year’s Eve, ipinagluluto niya si dating Presidente and now Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng paborito nitong Paella at Callos.

Dahil sa expertise ni Madam L sa dalawang favorite food ni former President, kaya binuksan niya ang kanyang Pinoy-Spanish fusion resto na katabi rin ng isang negosyo ni Madam L na La Contessa na isang specialty store selling imported spices, cured meats, and olives na gamit sa pagluluto ng Paella at mga specialty dishes ni Miss Laarni para kay Mayor.

Maging ang dalawang anak nilang sina Jake and Jacob Ejercito ay may sarili ring negosyo na burger and pizza joint na katabi ng La Contessa at Maria Maria, na nang silipin namin ay maraming millennials na customers enjoying their burgers and pizza.

ADVERTISING

Sariling concoction ni Jake ang burgers nila sa Burgers and Robbers. Ang kanilang pizza, swak sa panlasa ng mga taga-Xavier School at ICA (both are Chinese schools) na siyang “captured market” ng nasabing burger joint.

Dito sa Manila nag-celebrate si Jake ng Pasko kasama ang kanyang family. But before going home sa Pinas after his school in Singapore for the Christmas break, nag-vacay muna ito sa Myanmar with his friends.

After January 1 na ang balik ni Jake sa Singapore to continue his schooling sa pagma-master niya in Business in one very exclusive school na connected sa isang business school in London. Doon kasi dati nag-aaral ang cutie nina Madam L at Mayor Erap.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING