LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo: Mga Male Singers na Pinagpapantasyahan sa entablado

ADVERTISING

LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo: Mga Male Singers na Pinagpapantasyahan sa entablado

LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo: Mga Male Singers na Pinagpapantasyahan sa entablado
Carlo Mendoza, LA Santos and Kiel Alo

BONGGA ang tambalan ng mga male singers natin na sina LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo last Saturday, August 10 sa kanilang concert na “Three’s A Company” na isinagawa sa Music Hall (Metrowalk in Pasig).

Maganda sila tingnan on stage. Maganda ang blending ng mga boses nila during their production numbers lalo na kasama ang batikang singer na si Laarni Lozada na wala pa rin kupas sa kanyang singing prowess lalo na kapag binabanatan na niya ang mga kanta na puno ng mga high notes.

Kabado man, nairaos ng baguhan na si Carlo Mendoza ang kanyang solo performance. Bagito man sa industriya pero keri ni Carlo makipagsabayan kina LA at Kiel na kahit papano ay bihasa na sa pagpiperform onstage sa harap ng live audience.

Si LA, the singer who revived Imelda Papin’s hit song “Isang Linggong Pag-ibig” with a latin beat was in a good mood at masayang nagperform at nagpa-kenkoy.

ADVERTISING

Guwapo si LA on stage at charming na always naka-smile while performing.

While si Kiel who launched his solo digital single na “Aasa Ka Ba?” composed by no less than Vehnee Saturno, first heard sung by Kiel in last Saturday’s show ay expected na magiging favorite sa mga sing-along bars hosts na malamang sa hindi ay magiging “most requested” piece sa mga mahihilig kumanta sa mga venues like Music Box, etc.

Kuwento ni Carlo: “This is my very first time in a real concert. The last performance I did was when I guested in Macoy Mendoza’s birthday concert also at the Music Hall months back. Ngayon, isa na ako sa main performers kaya abot-leeg ang kaba ko. Ha! Ha! Ha!

“Sabi nga ng manager namin ni Kuya Kiel na si Nanay Jobert Sucaldito, since ginusto ko ‘to, panindigan ko ‘to dapat and I agree. I am praying to God na gabayan ako with this,” sabi ng newbie singer na may nakikita kaming promise sa kanyang istilo at boses.

LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo: Mga Male Singers na Pinagpapantasyahan sa entablado
Carlo Mendoza, LA Santos and Kiel Alo with Laarni Lozada

Ayon kay LA: “I’ve done a lot of shows already. I’m always excited to work with Tito Butch Miraflor. Strict siya pero nasa lugar. Talagang mapipilitan kang ilabas ang husay mo pag siya ang musical director mo kasi nga, he doesn’t settle for less. He wants to bring out the best in you.”

Si Kiel naman told the media after the show: I’ve been singing for many years already and I just so love it. Singing is my life – it’s my ultimate passion. I love doing hugot songs kasi nakaka-relate talaga ako. I hope the audience loved my single “Aasa Ka Ba?” that will have a big launch soon.

In last Saturday show, guests include gay icon/impersonator Dulce Viado and the most sought-after comic duo AJ Tamiza and Le Chazz.

THREE’s A COMPANY was presented by Xentro Malls, Karaoke Republic, TAG Media Group and Aficionado Germany Perfume and also supported by Reyes Haircutters, Zoomanity, Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Mr. Boy Abunda, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Sen. Tito Sotto 111, Ms. Jen Legaspi and Ms. Laarni Enriquez. 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING