‘La Luna Sangre’, nag-import ng international fight director para sa bakbakan ng lobo at bampira

ADVERTISING

‘La Luna Sangre’, nag-import ng international fight director para sa bakbakan ng lobo at bampira

‘La Luna Sangre’, nag-import ng international fight director para sa bakbakan ng lobo at bampira
La Luna Sangre directors

ISA ang matitinding fight scenes sa inaabangan ng televiewers ng La Luna Sangre. Mala-Hollywood kasi ang dating nito na kakaiba sa mga teleseryeng napapanood sa TV.

At para mas lalo pang  maging “high-tech” at bongga ang fight scenes sa epic serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nag-hire ang Star Creatives ng mga international fight directors — sina Wang Yang Bin at Lester Pimentel.

Tutulong ang dalawa para lalo pang mapaganda sa paningin ng televiewers ang sagupaan ng mga lobo at bampira.

Ayon pa sa kanila, importanteng marunong magsayaw ang mga artistang nasa cast ng La Luna dahil makakatulong ito para sa choreography ng fight scenes na kanilang ginagawa. Mas magaling sumayaw, mas maganda raw.

ADVERTISING

Samantala, happy naman ang Star Creatives sa patuloy na pagtutok ng televiewers sa La Luna Sangre na lagi ring hot topic sa social media.

Sa mga bagong kaganapan, tinanggal na pansamantala ni Kathryn ang wig na suot niya para magpanggap na escort girl na paraan niya para mapalapit kay Sandrino, ang supreme ng mga bampira na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez.

      

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING