KZ Tandingan, wala raw koneksiyon sa lovelife ang pagpapaigsi ng buhok

KZ Tandingan, wala raw koneksiyon sa lovelife ang pagpapaigsi ng buhok

KZ-TandinganFIRST TIME na magkakaroon ng solo concert ni KZ Tandingan kaya super-excited ang singer at pinaghahandaan niya nang husto ang mga repertoire na kakantahin sa concert. Bagama’t hindi sa malalaking venue tulad ng Araneta Coliseum of MOA Arena gaganapin ang kanyang Valentine show, proud pa rin siyang makipagsabayan sa ibang OPM artists na may mga concert din ngayong Araw ng mga Puso.

“‘Yung show ko is more intimate kasi sa hotel siya, sosyal, ‘di ba? Malamang ang mga audience ko do’n ay mga magkaka-date at may mga dyowa. Pero ‘yung iba, do’n na lang maghanap ng makade-date. Hahaha!” sey pa ni KZ.

KZ 4 U ang title ng kanyang concert at gaganapin ito sa mismong Valentine’s Day (Feb. 14) sa Crowne Plaza, ganap na 8 p.m. Special guest niya rito si Jimmy Marquez, pero meron din daw ibang surprise guests.

Sa tatlong taon sa business ni KZ, nakapag-perform na siya sa iba’t ibang lugar na merong Filipino communities abroad. Her recent trip was with Piolo Pascual in Brisbane and Sydney Australia.

Samantala, nagpaigsi ng buhok ngayon si KZ, pero aniya, wala raw itong koneksyon sa status ng kanyang lovelife.

“Usually po kasi ganu’n, ‘di ba? Na kapag nagpapaputol ng hair ang isang babae, posibleng broken hearted siya. Sa akin, wala namang ganu’n. Gusto ko lang ng short hair talaga,” paliwanag ng singer.

Regular na napapanood sa ASAP 20 si KZ. Just recently, katatapos lang niyang makipag-collaborate kina Abra and Gloc 9 para sa isang exciting projects.

‘Nga pala, ang KZ 4 U ay produced ng Pink Management Production Inc. and Crowne Plaza Manila Galleria. Dinner starts at 6 p.m. and show starts at 8 p.m. Para sa ticket reservation, please call 633-7222 or log on to www.facebook.com/crowneplazamanila.

La Boka
by Leo Bukas