Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix reunited sa ‘I Can See You: #Future

MAPAPANOOD na muli sa primetime ng Kapuso Network ang ‘Kambal, Karibal’ co-stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Sila ang bida sa second offering ng I Can See You 2: #Future.

Ang #Future ay kuwento ng  isang aspiring reporter at social media addict named Vinchie Torres (Miguel) na magbabago ang buhay nang makakita ng isang robbery incident na kanyang iniwasan at hindi nireport sa kinauukulan na kanyang pagsisisihan. Makakakita ito ng isang misteryosong CCTV na may pagka-manghuhula dahil makikita rito kung ano ang mga mangyayari pa lang.

Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix reunited sa 'I Can See You: #Future
Kyline Alcantara and Miguel Tanfelix

Makikilala ni Vinchi si  Lara (Kyline Alcantara), isang dalaga na mapapalagayan niya ng loob. Magkakaroon ng gusot ang kanilang blooming romance nang maungkat ang isang bagay mula sa nakaraan na mag-uugnay sa kanilang dalawa. Ano kaya ito?

Sa programa rin natin makikita ang mga consequences ng maling paggamit ng social media, na sadly ay talamak sa ngayon kung saan madaling mambash ng tao at naaapektuhan ang mental health ng isang tao dahil dito. Napakatoxic din naman talaga ng cancel culture, huh!

Marami ang nasasabik sa muling pagsasama nina Miguel at Kyline. Dito natin makikita kung may chemistry nga ba ang dalawa. Who knows, baka later on ay pagsamahin din sila ng GMA sa isang teleserye lalo na’t katatapos lang ng pinagbidahang afternoon series ni Kyline na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ at mukhang matagal-tagal pa mag-uumpisa ang taping ng Voltes V: Legacy kung saan si Miguel ang napiling gumanap bilang Steve Armstrong.

Mapapanood na mula April 5 – 9 ang #Future. Kasama rin sina Ms. Aiko Melendez, Mikoy Morales, Dani Porter at Gabby Eigenmann.