Kylie Verzosa on Jake Cuenca’s latest condition after the police chasing incident: ‘He is getting better, he’s recovering!’

Leo Bukas
AYON kay Kylie Verzosa, okey na ngayon ang boyfriend niyang si Jake Cuenca pagkatapos ang insidente ng pamamaril sa kanyang sasakyan sangkot ang ilang miyembro ng PNP.
“Jake is getting better! He’s recovering!” balita ni Kylie sa amin sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang My Husband, My Lover.
Kylie Verzosa on Jake Cuenca's latest condition after the police chasing incident: 'He is getting better, he's recovering!'
Kylie Verzosa with boyfriend Jake Cuenca

Ibinalita rin ni Kylie na bumalik na rin  ito sa trabaho ang aktor.

“I’m happy na nagte-tape siya ngayon. May show siya sa ABS-CBN,” sabi pa ng actress-beauty queen.

Dagdag pa ng beauty queen, any time soon ay maglalabas na official statement ang magkabilang kampo tungkol dito.
“Sana maayos nila, and naayos naman na po. I think yung official announcement will be sometime next week, okay na po,” kuwento ni Kylie.
“I just really feel bad for all parties involved. Very unfortunate event lang siya for all parties. All parties are healing with the situation,” lahad niya.

Nasa shooting si Kylie noon ng isang pelikula sa Pola, Oriental Mindoro nang mabalitaan niya ang nangyari sa kasintahan.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari. Hindi ako nakatulog. Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story. Sobrang out of myself ako noon.

“Magkausap kami noon and happy ako na sinasagot pa rin niya yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him. I just fully support him and I know, he’ll get through this,” kuwento pa ni Kylie.

Previous articleAJ Raval pinayuhan ni Kylie Padilla; ex-wife may bagong paalala kay Aljur Abrenica
Next articleDonnalyn Bartolome on food poisoning experience: ‘It was the most painful feeling’