Kylie Verzosa aminadong namimiss pa rin si Jake Cuenca

AMINADO ang beauty queen turned sexy actress na si Kylie Verzosa na namimiss pa rin niya ang knayang ex-boyfriend na si Jake Cuenca. Ito mismo ang inamin ng recently single lady habang kausap ang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda.

Kylie Verzosa aminadong namimiss pa rin si Jake Cuenca
Kylie Verzosa with boyfriend Jake Cuenca

Last week ay nag-upload ng interview video si Vice Ganda sa kanyang channel kung saan makikitang hindi napigilan ni Kylie na maluha nang pag-usapan nila si Jake, na mahigit isang buwan na rin niyang hindi nakikita the time the interview was recorded. Inamin din ng dalaga na hindi niya inaasahan na mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Jake na umabot din ng tatlong taon.

“Akala ko siya na. Akala ko na hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko siya na. Saka nagmahalan kami. We loved each other,” ani Kylie.

Naging masaya naman daw ang relasyon nila ni Jake.

“Sobrang happy kami sa relationship. At sobrang grateful ako sa relationship, sobra. Hindi ako in shock; pina-process ko po talaga. Process siya, hindi siya biglaan,” sambit ng aktres.

“Naririnig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para sa akin hindi kasi siya sayang — Natulungan namin ang isa’t isa, nagmahalan kami, nagtulungan kami sa isa’t isa. So para sa akin hindi ‘yon sayang. Nag-grow kami together as individuals. So, bakit siya sayang?”

Nang tanungin naman ni Vice kung may pagsisisi o pait ba sa naganap na hiwalayan: “Siyempre may pain. ‘Yun lang. (Regrets?) Baka wala.”
.
“Siyempre bago pa lang at saka masakit pa rin. Minsan you can’t especially kapag pagod ka na hindi mo mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin. Alam mo yon? Weird siya. Siyempre gusto ko ipakita sa tao the best version of myself. …Pero minsan I can’t help na makita nila na hindi rin ako okay minsan.”

Kylie Verzosa aminadong namimiss pa rin si Jake Cuenca
Kylie Verzosa and Jake Cuenca

Kung meron man daw kinakatakutan ang sexy single lady, ito ay ang magkaroon siya ng regrets sa naging relasyon nila ng aktor.

“Siguro ‘yun ‘yung kinatakutan ko rin, kung ire-regret ko ba o hindi. Pero okay ako, sinusubukan ko na maging okay ngayon. Mukha akong okay ngayon pero sinusubukan ko na maging okay ngayon.

Sa nasabing vlog ay idiniin ni Kylie na mabait na tao ang kanyang ex-boyfriend. “Napakabait niyang tao. Mabait siya very generous,” sambit pa niya.

Previous articleLiza Soberano ipinaliwanag ang pangarap na makapasok sa Hollywood
Next articleVLOG WATCH: Ang Mainit at Masabaw na Tinola ni Jamilla Obispo