Kylie Padilla, sobrang nami-miss ang dating buhay

Kylie-PadillaNATANONG SI Kylie Padilla sa grand presscon ng Buena Familia kung paano niya maikukumpara ang pamilya niya in real life sa kanyang role sa serye na magsisimula nang umere sa July 28 para sa afternoon drama series ng GMA 7.

“Well, ang isang similarity namin ni Celine (character niya sa serye) is nakulong ‘yung tatay namin,” say ni Kylie na ikinatawa niya at ng entertainment press.

Dahil nagtawanan ay kaagad niyang binawi sa pamamagitan ng pagsasabi na malayo naman daw ang kuwento. Sa istorya kasi ng Buena Familia, nakulong ang daddy niya played by Bobby Andrews dahil sa pyramiding scam. Bukod dito magkaibang-magkaiba raw sila ng kanyang character bilang Celine.

“Si Celine, cum laude and everything, hindi siya artista kaya sobrang iba,” aniya.

Ang masasabi lang daw niya about her family in real life, sobrang nami-miss daw niya ‘yung dating buhay na magkakasama sila bilang isang buong pamilya.

“Kahit hindi na kami magkakasama ngayon, nandito ako ngayon, nagtatrabaho. Si Mama (Liezl Sicangco) nasa Australia, si Papa (Robin Padilla), you know, may asawa na rin. ‘Yan ang nami-miss ko kapag nasa set ako. Parang, “ay, ganito rin kami dati,” say ni Kylie.

Sa Buena Familia makaka-partner ni Kylie si Martin del Rosario at kasama rin sina Julie Anne San Jose, Jake Vargas, Julian Trono, Mona Louise Rey, balik-tambalang Angelu de Leon, Bobby Andrews, at Sheryl Cruz na hindi sumipot sa grand presscon dahil may sakit daw ang anak, pero may nagbulong na umiiwas lang daw ito sa isyu nila ni Senator Grace Poe.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleSylvia Sanchez, puring-puri ang child star na si Jana Agoncillo
Next articleAlden Richards, nakahanap na ng bagong ka-loveteam

No posts to display