Kylie Padilla, pasado ang acting sa launching movie kaya may kasunod agad

ADVERTISING

Kylie Padilla, pasado ang acting sa launching movie kaya may kasunod agad

Kylie-PadillaMAY KARAPATAN si Kylie Padilla na magbida sa pelikula dahil pasado ang acting niya sa launching movie niya sa Regal Films titled Dilim na palabas na ngayon. Hindi napahiya si Kylie sa tatay niyang si Robin Padilla na sumugod pa nu’ng premiere night ng pelikula.

ADVERTISING

Maging si Mother Lily Monteverde ay natuwa sa ipinakita ni Kylie sa Dilim. Binigyan niya agad ng follow-up movie ang dalaga na ididirek pa rin ni Jose Javier Reyes. Hototay o Chinoy ang working title nito at posibleng makasama rin ulit ni Kylie rito si Rayver Cruz na partner din niya sa Dilim.

“Magaling si Kylie kaya may next movie agad siya sa Regal,” bulalas pa ni Mother Lily.

Proud father din si Robin at Mariel Rodriguez sa papuri ng ilang kritiko kay Kylie.

ADVERTISING

“Nawala na ‘yung kaba ko. Natutuwa ako na tinanggap nila ako sa first movie ko,” sey naman ng dalaga.

After the showing of Dilim, obserbahan natin kung matutuloy ang off the screen sweetness nina Kylie at Rayver.

“‘Pag hindi naging sila o ‘pag walang ligawang nangyari, malamang pang-promo lang ang lahat,” sey ng isang mahaderang reporter.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING