Kylie Padilla on Aljur Abrenica: ‘Gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya’

SA WAKAS ay nagiging vocal na si Kylie Padilla pagdating sa kanyang ex-partner na si Aljur Abrenica. Ilang linggo na rin kasi pinag-uusapan ang namumuong pagtitinginan ng kanyang estranged husband sa Viva sexy star na si AJ Raval.

Dahil may bagong proyekto sa WeTV kung saan gumaganap siya bilang lesbian lover ni Andrea Torres sa BetCin, wala nang choice si Kylie kundi harapin ang mga katanungan ng mga media reporters.

Kylie Padilla on Aljur Abrenica: 'Gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya'
Kylie Padilla

“Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya. Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.” simpleng sagot ng aktres.

“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto ‘yon. Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”

“Kasi failure namin as parents ‘yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan namang masaya in our own separate way,” patuloy niya.

Dahil na rin siguro sa kanyang karanasan nang maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco, ayaw ni Kylie na maranasan din ng mga anak niya ang sakit ng pagkakaroon ng mga magulang na hiwalay.

“Para makita nila buo pa rin sila, ‘kasi happy yung parents ko,’ ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip,” paliwanag pa ni Kylie.

Sa ngayon ay mukhang busy pareho sina Kylie at Aljur sa kani-kanilang showbiz commitments. Bida ngayon si Kylie sa WeTV/iFlix GL series na ‘BetCin’ kung saan gaganap siya ng lesbian character. Palabas na ang first three episodes nito kaya sabik na kami mag-marathon! Si Aljur naman ay busy sa isang pelikula.. at getting to know his new target na si AJ Raval.

Previous articleKelvin Miranda at Mikee Quintos balik-tambalan sa ‘Promises to Keep’ ng Regal Studio Presents
Next articleThings You Didn’t Know About Mikee Quintos