Kylie Padilla, magsasalita na sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

ADVERTISING

Kylie Padilla, magsasalita na sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaMAY EXCLUSIVE interview si Heart Evangelista kay Kylie Padilla para sa Startalk na mapapanood n’yo sa Sabado ng hapon.

Baka makalimutan, sa Sabado na uli kami ha?! May pagbabago sa timeslot ng weekend namin at ‘yun na nga sa Sabado ng hapon na kami pagkatapos ng Asian Horror. Abangan n’yo ‘yan.

Wala kasi si Heart sa Sabado dahil nasa Amerika ito kaya gagawa ito ng exclusive interview at si Kylie nga ang makakausap niya.

Ngayon pa lang magsasalita si Kylie pagkatapos mapabalitang break-up nila ni Aljur Abrenica, at ang pagkaka-link ng Kapuso hunk sa leading lady niya sa Kambal Sirena na si Louise delos Reyes.

ADVERTISING

Kaabang-abang ang mga sasabihin ni Kylie dahil diretso pa namang magsalita ‘yan. Kung ano ang nasa isip niya, talagang sinasabi niya.

Nu’ng Linggo nga bumalik na si Kylie sa Sunday All Stars, at kapansin-pansin doon na wala si Louise. Talagang hindi siya naka-schedule o pinaiwas na lang siya kay Kylie?

Nandu’n si Aljur pero, hindi sila nagbabatian ni Kylie. Nag-iiwasan talaga sila na parang hindi nila nakikita ang isa’t isa.

Ang katsika du’n ni Kylie ay si Enzo Pineda na dating boyfriend naman ni Louise.

Magkasama sila sa production number at nagpu-post pa nga raw si Kylie sa Instagram account niya na kasama si Enzo.

Kahit sina Enzo at Aljur ay hindi rin nagbabati. Tagusan lang ang tingin kapag nagkakasalubong sila. Talagang dedmahan sila, at nakunan nga ng Startalk ang dedmahan nilang dalawa.

Iniiwasan din ni Kylie ang mga reporters na gustong mag-interview sa kanya.

Ayaw talaga niyang magsalita. Pero ngayon ay pagbibigyan niya ang Startalk, at magsasalita na ito kay Heart.

Magpu-promote din kasi siya ng album niya na malapit na ring i-launch.

Alam ko nga meron siyang ginawang kanta para kay Aljur.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING