Kylie Padilla, madalas pumunta sa condo ni Kristoffer Martin?

ADVERTISING

Kylie Padilla, madalas pumunta sa condo ni Kristoffer Martin?

Kylie-Padilla-Kristoffer-MartinNAGULAT ANG mahusay na young actor na si Kristoffer Martin sa kumakalat na balitang napapadalas ang pagpunta ni Kylie Padilla sa condo unit niya sa Sta. Mesa at siya na raw ang ipinalit ni Kylie kay Aljur Abrenica.

Tsika nga ng binata, “Actually nalaman ko na kumakalat na ‘yung tsismis na ‘yan sa manager ko. Nagulat nga ako nang tanungin ako ng manager ko tungkol du’n. Medyo, kagigising ko pa lang nu’n kaya nabigla talaga ako.

“Marami na raw kasi ang nagtatanong sa kanya tungkol nga sa pagpunta-punta raw ni Kylie sa condo unit ko. Totoo naman na pumunta si Kylie sa condo ko, pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang mga kaibigan namin, kasi may lakad kami. At hindi rin totoo na pumasok siya sa unit ko dahil sa lobby lang nila ako hinintay, dahil nagmamadali kami dahil may lakad din kami that day.

“At isa pa, hindi naman parati, dahil isang beses pa lang namang nakapunta roon si Kylie. Kaya mali ‘yung lumalabas na balita na lagging napagkikita si Kylie sa condo ko. Pero if ever naman na gusto nilang pumasok sa condo unit ko, okey lang naman kasi grupo naman kami at magkakaibigan. And lagi namang nandu’n ang mommy ko at hindi ako nag-iisa sa condo,” pahabol ni Kristoffer.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING