Kylie Padilla itinangging nanlalalaki: ‘I never had any extramarital relationships with other men’

Leo Bukas
MAY BUWELTA si Kylie Padilla sa akusasyon sa kanya ni Aljur Abrenica ng pangangaliwa base sa laman ng controversial na “breaking silence” post nito sa social media noong October 19.
Sa interbyu sa kanya ni Jesica Soho sa programa ng GMA-7 na Kapuso Mo Jessica Soho ay tahasang itinanggi ni Kylie na nagkaroon siya ng ibang lalaki habang nagsasama pa sila ni Aljur. Unfair daw para sa kanya ang naturang paratang.
Kylie Padilla itinangging nanlalalaki: ‘I never had any extramarital relationships with other men’
Kylie Padilla

“In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth and that’s what they keep throwing at me,” kaagad na paglilinaw ni Kylie.

“Okay sana kung ginawa ko. I would say I’m sorry. Pero hindi talaga, eh. Paano ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa? Ang hirap nu’n.

“Kung totoo talaga, aamin ako. But like, hindi talaga siya totoo kaya natatawa na lang ako. Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second son.

“Paano ako aalis? Kung gusto n’yo ng ebidensya, tanungin n’yo yung mga yaya ko,” tuluy-tuloy pa niyang paliwanag.

Tinawanan din lang ni Kylie ang tsismis na ang Kapamilya actor daw na si JM de Guzman ang ipinalit niya kay Aljur. Sabi pa ni Kylie, pareho na raw silang hindi masaya ni Aljur kaya minabuti na nilang tapusin ang kanilang relasyon.

Lahad niya, “I wanna grow as a person and be a better mother. The circumstances sa marriage namin, feeling ko hindi ko magagawa yon. The decision that I made, I think, do’n siya nanggaling.

“‘Yung sinabi niya na ‘I wrecked the family,’ it’s because I decided na ayoko na, tapos na ko dito. I wanna be a better person, I wanna be happy. And I want him to be happy.

Kylie Padilla itinangging nanlalalaki: ‘I never had any extramarital relationships with other men’
Kylie Padilla and Aljur Abrenica

“Kaming dalawa ang iniisip ko when I decided that… I felt like for the longest time, I felt alone in the marriage. ‘Yung cheating was just the last straw. Mahirap sa akin but I said, ‘Okay, it’s enough!’”

May mensahe rin si Kylie sa ama ng kanyang dalawang anak.

“Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin. Sana ma-save pa natin yung friendship after this. That’s my goal in the end.

“Kung gusto natin mag-away, whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. Yon lang ang hinihingi ko, please,” pakiusap ni Kylie sa dating mister.