Kylie Padilla, gustong magamit sa action films ang pagiging martial arts expert

ADVERTISING

Kylie Padilla, gustong magamit sa action films ang pagiging martial arts expert

Kylie-PadillaRECENTLY KO lang nalaman na ang dami palang bagay na hindi alam ng publiko, lalo na ng press tungkol sa dalaga ni Robin Padilla na si Kyllie Padilla.

Bukod sa artista siya ng Kapuso Network at may latest film sa Regal na Dilim with Rayver Cruz, a lot of things ang hindi naisusulat sa dalaga.

Hindi natin alam na isang martial arts expert si Kylie. Mas gusto niyang gumawa ng action film. Isa siyang magaling na make-up artist at higit sa lahat ay ang advocacy niya laban sa bansang Israel, kung saan kamakailan ay sumali siya sa rally sa harap ng Israel Embassy dahil sa isyung religion kung saan si Kyllie ay isang Muslim.

Nakasasawa na kasi at kabaduyan na lagi na lang inili-link sa kanya at inuurirat si Aljur Abrenica na bahagi na lang ng kanyang nakaraan. Pinasama pa nga ang imahe niya na nagmukha siyang manunulot sa umeeksenang si Geoff Eigenmann na pinalabas ng ibang kampo na siya ang dahilan ng break-up nila ni Carla Abellana, na in the end pinatunayan na wala siyang kinalaman.

ADVERTISING

Kawawa ang dalaga na kulang lang marahil sa chance na makilala nang husto ng press at ng publiko.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING