Kylie Padilla, dinedma at tinakasan si Aljur Abrenica

ADVERTISING

Kylie Padilla, dinedma at tinakasan si Aljur Abrenica

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaKUNG PAGBABASEHAN ang naganap na pagkikita nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa Sunday TV show ng GMA 7, masasabi nga na hiwalay na ang dalawa.

ADVERTISING

Last Sunday kasi sa GMA studio, kapansin-pansin mabilis na lumabas si Kylie papunta sa parking lot. Samantalang at that time ay nasa exit door din si Aljur at abala sa pakikipag-usap sa mga fans. Mabilis ang naging galaw ni Kylie habang papalabas ng exit door na hindi man lang nilingon or binati man lang nito ang boyfriend or ex-boyfriend.

Dati-rati kasi, kapag natapos na ang programa ay makikitang magkasama sina Kylie at Aljur sa looby at sabay silang lalabas ng studio. O kaya ay sabay na pupunta sa kanilang dressing room at sabay na lalabas papuntang parking lot.

Minsan naman, sabay silang nakikipag-usap sa mga fans at nagpapaunlak ng autograph kasama na roon ang magpa-picture sa mga fans.

ADVERTISING

Pero last Sunday sa show, kakaibang eksena ang nasaksihan na tinakasan at dinedma ni Kylie si Aljur. Nakayuko si Kylie na mabilis na lumabas ng exit door kasama ang mga alalay nito.

Lalo tuloy kaming naniwala na hiwalay na ang dalawa dahil sa pag-iwas ni Aljur na pag-usapan ang tungkol sa tunay na status ng relasyon nila ng anak ni Robin Padilla. Hindi tulad noon na kapag tinatanong ang actor tungkol sa relasyon nila ni Kylie, kaagad itong nagbibigay ng pahayag.

Well, tila totoo na may third party involved sa break-up ng dalawa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING